Chapter Forty Six

1.7K 33 8
                                    


Corin's POV

'Dear Rina-sama,

Alam ko sa mga oras na 'to ako ay-

Napatigil ako sa pagsusulat at binasa 'yung sinulat ko. Mali! Mabilis na tinapon ko 'yung papel na sinulatan ko at tinapon sa bag ko. MALI! Maling-mali! English ang salutation ko kaya dapat english rin 'yung nasa body! Aish! Para tuloy akong bobo!

Napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng scented paper sa drawer ng kwartong tinutuluyan ko.

Kinuha ko ulit 'yung ballpen ko at nagsulat....

Dear Rina-sama,

In this time, I....

Napapigil ako sa pagsusulat at tinitigan 'yung sinusulat ko! "Arghhhhhhhhh!" inis na sigaw ko at mabilis na tumihaya sa kama ko 'tapos ay pinagsisipa ko 'yung papel na nasa kama ko. Magkaka-brain hemorrhage pa yata ako! Ano ba kasing pumasok sa akin at mag fu-full English ako sa pagsusulat ng letter kay Rina-sama?! Eh! English 101 nga hindi ko mapasa-pasa! Ito pa kaya! Baka 'pag mabasa 'to ni Rina-sama, markahan niya pa 'to ng F!!! At hindi siya maniniwala sa sinulat ko! Aish! Kainis!

Dumapa na lang ulit ako sa kama at kinuha 'yung ballpen ko na may feather na naka-korteng heart sa taas! Psh! Adik talaga ng mga tagagawa ng ballpen! Oo nga cute siyang tingnan pero nakakabobo! Baka isipin ng mga taong gumagamit nito na may balahibo ang puso ng isang tao! Aish!

Kumuha ulit ako ng papel. Magsusulat na talaga ako! Mag-Italian na lang kaya ako? Napangiwi na lang ako. Bobo nga pala si Rina-sama sa Italian. Oo nga't nakakaintindi siya ng Italian pero hindi siya nakakabasa. Secret namin 'yun. I mean sila naman lahat eh! Si Skylar, Boss Sebastian at Spencer! Marami silang alam na language kaya nilang makipa-communicate pero hindi lang sila marunong magbasa at magsulat ng mga language na 'yun pwera lang sa English at Filipino! Mother language kaya nila 'yun.

Aish! Tama! Mag ta-Tagalog na lang ako! Tutal Filipino na naman ako simula ng i-adopt ako ni Rina-sama. Yup I'm a naturalized Filipina!

Kinuha ko na lang 'yung papel at nagsulat....

Dear Rina-sama,

Sa mga oras na 'to, baka wala na ako sa mansion, sa bahay ko, sa bahay ni Lass o kaya sa bahay ni Luke-sama. Baka nga sa mga oras na 'to nagmumura ka dahil sa akin at sa ginawa ko. Rina-sama, alam kong palagi kitang na-di-disappoint hanggang sa mga oras na 'to. First was in the Paris. Pinag-aral niyo po ako doon pero sinayang ko lang. Second naman, was 'yung pinag-aral niyo po ako sa mga Universities dito sa Manila pero sinayang ko lang dahil palagi akong napapaaway sa mga teachers at classmates ko. Akala ko nga hindi niyo na po ako papaaralin dahil bukod sa wala na po tayong pera kasi pina-block na ni Madam Minerva ang mga accounts niyo, malakas pa po kayong kumain at hindi pa kayo marunong gumamit ng ATM na binigay ni Boss Anastacia kaya pianapasali niyo na lang po ako sa mga beauty contest at mga model-model diyan sa tabi-tabi para magkapera tayo ng cash sa nakalipas na 8 months, aba't pinaaral niyo po ako! AKALAIN MO 'YUN?!

Tinitigan ko 'yung sinulat ko. Okay walang wrong grammar! Ang galing ko talagang gumawa ng letter! Ako na talaga! Yumuko ulit ako at nagsulat.

Pero Rina-sama... Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa utak ko. Siguro dahil sa pagsasama ko sa mga kaibigan ko sa school ko. 'Yung ka-banda ko. Rina-sama palagi kaming pumupunta ng simbahan. Tumutulong sa bahay-ampunan at sa bawat araw na pupumupunta kami doon palagi kong nakakausap 'yung mga madre doon kaya....

Huminga muna ako ng malalim bagi ko isulat 'yung susulatin ko.

Nakapagdesisyon po ako. GUSTO KO PONG MAGING MADRE. I know hindi kapani-paniwala! Pero Rina-sama gusto ko talaga. Feeling ko may boses na kumakausap sa akin tuwing nakatingin ako sa mga madreng busy nag-aalaga sa mga bata. At ngayon ko lang na-realize na napakasuwerte ko pala. Kasi kahit na hindi kami bati ng ate ko hindi niya ako sa tabi-tabi iniwan, sa bahay ampunan niya ako iniwan. Inilagaan ako ng mga madre kahit na 'yung iba masusungit at palagi akong pinapalo pero Rina-sama, I'm still lucky. Kasi dahil sa ma madreng 'yun, masasabi kong naging mabait akong tao. Kaya I'm sorry. Kasi For the 20th times, I disappoint you! Hindi ko matutpad ang pangako ko sa 'yo na magiging isa akong civil engineering at ako ang susulusyon ng problema ng bansa, ang trapik!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon