Chapter Seventy-seven

1.7K 29 46
                                        

Sab's POV

"Luke!" Napasigaw ako sa pangalan niya ng bigla niya na lang ako yinakap.

Muntik pang mahulog ang hinuhugasan kong baso sa ginawa niya.

He just chuckled. Mas lalo niya akong yinakap tapos pinatong niya ang mukha niya sa may balikat ko.

"Ako na lang kasi yung pinahugas mo ng pinagkainan natin..." Malambing na sabi niya.

Napakagat ako sa labi ko. Nag prisenta kasi siya kanina na siya na lang yung maghuhugas ng pinggan pero kasi ang unfair lang... Siya na 'yung luto at siya pa yung manghuhugas kaya pinaglaban ko ang right sa paghuhugas.

Napaawang ang labi ko...

'Yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko ay dahan-dahang lumipat sa mag kabilang kamay ko na may hawak na baso at sponge.

Nakagat ko ang ibabang labi ko...

Para akong batang tinuturuan niyang manghugas ng pinggan sa ginagawa niya.

Napalunok ako.

But hindi isang bata ang pakiramdam ko ngayon sa ginagawa niya kundi isang... Babae. Babaeng unti-unting umaakyat sa mundo ng kanasaha-Napailing ako sa iniisip ko! The heck! Kailangan kong ibagok ang ulo ko sa pader.

"Luke..." Wala sa sariling tawag ko sa kanya.

"Hmmm..." Sabi niya na focus na focus sa paghuhugas ng pinggan.

God!

Bakit ko nga siya tinawag?!

Wala naman yata akong sasabihin eh!

Hindi ako makapag isip ng matino sa ginagawa niya! Nakakainis!

"Ahmm..." Think, Sab! You're better than this! 'Wag mong ipagkanulo ang karakter mo sa mundo ng kanasahan!

Pumikit ako ng madiin!

Pull your self together!

Dinilat ko ang mga mata ko at pinilit na inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kamay ni Luke pagkatapos ay tumingin sa kanya ng seryoso.

"I think, kaya ko na 'to." Madiin na sabi ko sa kanya sabay ngiti ng matamis.

Kung aalis ka, papatayin kita!

Bumalik ulit ako sa paghuhugas ng plato.

What the hell I'm thinking! Anong kaartehan 'yun!

"Mas mapapadali ang paghuhugas ko kung ako lang ang maghuhugas..." Madiin na dugtong ko.

Nagfocus ako sa paghuhugas ng baso kaysa ibang bagay ang focusin ko.

Bad, Sabrina! Huwag kang magpadala sa tukso, Sabrina! Hindi ka ganyan karupok! The heck!

Kailan ka naging marupok?!

Tuluyang lumayo si Luke sa likuran ko at umalis-aalis siya?

Sinunod niya ang utos ko?

I just rolled my eyes!

Yeah right!

Psh!

As if naman na nag assume ako na hindi siya aalis sa tabi ko?! Na dito lang siya. Na kahit anong tulak ko, hindi siya aalis sa tabi ko. Nasa tabi ko lang siya lagi!

Hmp!

Padabog na inilagay ko ang sponge sa lalagyan at nag start ng banlawan 'yung mga hugasin. Hindi pa umabot sa isang minuto ay bumalik si Luke.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon