Luke's POV
"AHM, so welcome to my-our house!" pinagsigla ko ang boses ko ng sabihin ko sa kanya ang salitang 'yun ng makapasok kami sa condo ko. Ngayon lang kami nakauwi dahil nga inayos pa namin 'yung mga dapat naming ayusin at handain para bukas dun sa event nila Leila! Tumingin lang sa akin si Sab nang maibaba niya ang maletang dala niya at tinaasan ako ng kilay.
"Dito mo ba talaga ako ititira?" hindi ko alam kong upset siya sa condo ko o ayaw lang talaga niya rito pero parang normal lang naman ang pagkakatanong niya kaya ewan ko ba. Hindi ako makapali! Anong problema sa condo ko?! Pinalinis ko naman ang buong condo ko kaya wala siyang dapat i-upset. Atsaka, wala na siyang magagawa! Wala naman kasi siyang choice! Ito lang ang pwede naming tirhan!
"Yup!" sagot ko sa kanya.
"Anong nangyari dun sa bahay..." hindi niya natapos ang sasabihin niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Pabagsak na umupo ako sa sofa.
"Binenta nila mommy." Sagot ko na lang at tinanggal ang sapatos na suot ko pati na rin ang medyas na suot ko. Inilagay ko 'yung medyas ko sa loob ng sapatos ko 'tapos inilagay sa ilalim ng maliit na mesa sa may sala. Lalagyan kasi 'yun ng mga magasin o kung anu-anong abubot kaso feeling ko sinali nila sa paglinis 'yun at tinapon na.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Akala ko pa naman na sentimental ang bahay na 'yun sa inyo. Lalung-lalo na sa mama mo." Sabi niya at tumabi ng upo sa akin. Inilagay niya ang dalawang paa niya sa dulo ng mesa na kung saan ko inilagay ang sapatos ko at nagulat ako ng sinipa niya 'yun ng malakas kaya nabasag 'yun.
"What the!" gulat na sigaw ko. Mabilis na tinaas ko ang mga paa ko para hindi ako makatapak ng bubog. "Sabrina!" napalingon pa ako sa kanya. Humarap naman siya sa akin na para bang wala siyang masamang ginawa.
"Sorry Luke, nasira ko yata 'yung pangwala ng ngalay sa paa mo." Sabi niya pero parang hindi naman siya sincere ng sabihin niya 'yun. Seriously?!
Atsaka, niloloko niya ba ako? Klarung-klarong mesa 'yung sinipa niya eh! Atsaka pangwala ng ngalay sa paa? Meron ba nun?! Massage machine meron pero nasa kwarto!
"Sab, M.E.S.A 'yung sinipa mo!" At diniin ko talaga ang salitang 'mesa' ng sabihin ko sa kanya 'yun. Napasinghap siya sa sinabi ko at napatuptop pa siya sa bibig niya na para bang gulat na gulat sa sinabi ko.
"Talaga?" shock na shock na sabi niya and it really pissed me off! Mas lalong nainis ako na para bang sinisisi pa niya ako. "Akala ko kasi, pangwala talaga 'yun ng ngalay sa paa eh..." at nagpaawa pa siya ng boses. " Kasi naman inilagay mo 'yung sapatos mo doon kahit hindi naman dun ang tamang lalagyan kaya akala ko kapag sinipa ko 'yun mawawala ang ngalay sa paa ko kahit alam ko naman na hindi 'yun tama." At bigla niyang inilagay ang paa niya sa sofa at tumayo doon. Dumaan siya sa harapan ko kaya napasandig ako sa sofa. What the!
"Sabrina!" sigaw ko ng sinadya niya tapakan ang hita ko. Damn!
Tumigil siya sa paglalakad ng mailagay niya ang kanang paa niya doon sa lalagyan ng kamay at dahan-dahang lumingon sa akin. "Hoy Luke, linisin mo 'yang kalat na ginawa mo!" madiin at maotoridad na sabi niya at tumalon siya pababa at pumunta siyang kusina.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What the! At sino ka para utusan ako?!" inis na tanong na sigaw ko sa kanya. Damn it!
"I'm your wife, bastard!" sagot na sigaw niya at doon ako natigilan.
'I'm your wife.'
Bakit parang kiniliti ako sa sinabi niyang 'yun? Kaso nakakainis lang 'yung huling salita binitawan niya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
