Chapter Thirty Two (part two)

2.3K 64 8
                                    




"Pero, Rina-sama, ano po ba ang connect nun kay Luke?" tanong sa akin ni Corin. Tumingin ako sa kanya.


Connect?


Actually hindi ko alam....


"I don't know-" bigla akong napatigil sa pagsasalita...Ay mali! "Corin, hindi ko alam but for now ang alam ko, he is in danger..." wala sa sariling sabi ko.


Napakunot ang noo ko ng biglang napasinghap si Corin. Tumingin ako sa kanya. Mas lalong napakunot ang noo ko. Takot na takot kasi ang itsura nya.


"Rina-sama, gangster po ba si Luke?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.


Huh? Pinagsasabi nya?


Biglang pumalakpak si Corin kaya napatingin ako sa kanya. "Akalain mo 'yun, gangster sya..." tumango-tango pa sya at tumingala na para bang iniimagine nya si Luke bilang isang gangster. Bigla syang ngumiwi 'tapos tumingin sa akin. "Ang galing naman nya Rina-sama..." napanguso pa sya ng masabi nya 'yun.


Naningkit ang mata ko. Bakit naman kaya? Bakit magaling si Luke? Nakakagaling pala ang pagiging gangster ngayon?!


"Kasi po pangarap ko po 'yun..." nakangiting sabi nya. Nakagat ko 'yung ibabang labi ko. Ganun?! Ganun?! Pangarap nya?!


Inis na binatukan ko sya. Wala na! Magpapatawag na ako ng pyschologist! Ipapatingin ko na talaga sya! Tingin ko hindi 'to dala ng delay nyang 'pagdadalaga'. O 'di kaya naman albularyo! Baka nasapian 'tong babaeng 'to!


Napailing na lang ako.


"Rin, alam mo ba ang status naming dalawa ni Luke?" na tanong ko na lang bigla sa kanya.


"Bestfriend!" masayang sigaw nya. Napatampal ako. Oo nga pala! 'Yun ang ang alam nya. Hindi nya kasi alam na fiancee ko si Luke! Hindi nga nya alam na... Patay! Paano ko mai-explain sa kanya 'yun?


"No...." mahinang sabi ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo nya.


"Ano po kayo?" tanong nya. Hinawakan nya 'yung baba nya at hinmas-himas 'yun. Tingin ko hinuhula nya kung ano kami ni Luke... Mahintay ko nga ang sagot ng babaeng 'to!


"Aha!" napagitla ako ng bigla syang sumigaw. "Love team po kayo!" 'tapos tumawa sya. Love team? Binatukan ko ulit sya!!



"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Corin?!" inis na sabi ko sa kanya "Loveteam?! Kailan pa ako nag-audtion para maging artista?!" inis na tanong ko sa kanya.


"Eh kasi naman po Rina-sama, ng huli po tayong nagkita may lumapit sa 'yong beki at nagtanong kong gusto mong artista 'tapos ang sinagot mo hindi pero hiningi mo pa rin 'yung contact number nya kaya akala..." parang batang sabi nya. "Marami talagang nagkakamali sa maling akala..." kanta nya pa! Napatampal ko na lang ang noo ko. Wala na! Suko na ako kay Corin!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon