Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko na nasa labas si Sabrina ng function hall na sinabi sa akin ni Steven. Nasa duyan sya at nakayuko. Lumapit ako sa kanya.
"Sab?" tawag ko sa kanya.
Nag-angat naman sya ng tingin sa akin.
"Bakit?" tanong nya.
"Anong ginagawa mo dyan sa labas, bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" sagot na tanong ko sa kanya.
Umiing lang sya sa akin 'tapos yumuko.
"Wala lang, ayoko lang pumasok..." walang kabuhay na buhay na sagot nya
Napakunot ang noo ko sa sinagot nya.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Umisod naman ng kunti si Sabrina para bigyan ako ng space. Sure kasi ako na maraming pagkain sa loob kaya hindi 'to magdadalwang isip pumasok doon kaya ano ang dahilan nya bakit ayaw nyang pumasok sa loob....
Huminga ng malalim si Sabrina 'tapos tumingin sa akin. "Kasi sa loob ng function hall na 'yan, may nangyayaring 'Mr. and Miss Oxygen'. Mamaya na lang tayo pumasok 'pag meron ng lumabas para mag-CR." sagot nya.
Huh? Ano daw?
'Mr. and Miss Oxygen' Ano 'yun? Itatanong ko sana sa kanya 'yun ng biglang may nagsalita sa may harapan namin. Magkaharap kasi kami ni Sabrina. Nakatingin ako sa kanya at nakuyoko naman sya.
"Hoy! Bakit hindi kayo pumasok?" tanong nito.
Mabilis na nag-angat ng mukha si Sabrina sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Sabay pa kaming nag-roll ng eyes ng ma-realize namin kung kaninong boses galing 'yun.. Bwisit! Si Steven na naman.
Tumingin sa kanya si Sabrina. "SECRET! Amin na lang 'yun!" mataray na sagot sa nito 'tapos nag roll pa sya ng eyes.
Mainit talaga ang dugo nya kay Steven! Hindi 'pag kaibigan ng kuya mo 'yung isang tao dapat close kayo, pero bakit iba sa kanilang dalawa? May past kaya sila? Pero sabi ni Sabrina.. Aish! Ang gulo!
"Hinihintay nyo ako no?" nanunuksong tanong nya sa amin. Napangiwi ako. Kung sipain ko kaya ang mukha nya? ASA!
"Hindi! Hinihintay ko si Luke dahil nasa kanya ang I-pad at DSLR ko" sagot ni Sabrina sa kanya. Pinakita pa nya sa amin 'yun. Tumingin sa akin si Sabina sa akin at kinindatan ako. Napailing na lang ako. Hayst! Sinungaling! Pero may dala pala sya nun? Tumayo si Sabrina at inilahad 'yung palad nya sa akin. "Tara na!"
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
