Luke's POV
Tahimik lang kami sa upuan na para bang nakikiramdaman sa isa't-isa- Mali sila lang pala! Invincible-slash-props-slash-extra lang ako dito.
Tsk!
Napatingin ako kay Sabrina na nasa harapan ko at nakaupo sa mahabang sofa... Nakaupo sa lap nya si Avery, 'yung batang nag-Bi-Bisaya kanina. Sa may kanan nya naman ay nakaupo si Briseis na busy-busing tumitingin sa kuko nya at sa kaliwa ni Sabrina ay 'yung batang lalaki na si Ar-Ewan! Hindi ko matandaan ang pangalan nung batang lalaki! Basta nag-sta-start sa letter A ang pangalan ng bata 'yun at busy sya sa pagkalikot nung cellphone nya... Yata!
Hindi ko alam!
Napakabata nya pa kasi para magkaroon ng cellphone. Kung tama ako, mga Seven pa lang siguro ang edad ng batang 'yun!
Corin?
Ewan! Hindi pa sya lumalabas sa kwarto nya! At wini-wish ko na sana doon na muna sya! Mas lalong gugulo kasi ang sitwasyon 'pag nandito 'yun!
Lalo na at sa mga MAKABULUHANG SALITA nya? Tyak na magiging malinaw ang usapan!
"Ta, ingon ni dada, red daw imong hair, why black na sya ngayon?" curious na tanong ni Avery kay Sabrina. Agad na napatingin ako kay Sab. Tinanong kasi nung bata na red daw 'yung kulay ng buhok ni Sab kaya bakit black na sya ngayon...
Galing!
Interpreter na ako ngayon! Atleast sa sitwasyong 'to may silbi ako! Hindi ko kasi alam kong paano at ano ang sasabihin ko sa sitwasyong 'to. Ayoko rin makisali sa usapan nila na sila lang ang nakakaintindi! Atsaka kung sasali man ako sa usapan nila, hindi ko rin naman alam kong ano ang sasabihin ko. Baka magkamali pa ako at masabihan ng joiner... Napabuntong hininga na lang ako. Hay.... Buhay!
Pero isa lang ang masasabi ko sa sitwasyong 'to, kumpirmado! Maganda ang lahi nila Sab! Ang ku-cute ng mga batang 'yun kahit ...*aherm* may kasamaan ang ugali! Lalung-lalo na 'yung si Briseis!
Tumingin lang si Sab kay Avery at ngumiti. "Hindi na si Haley Williams ang idol ko eh..." sabi nya sabay tayo. Nanlaki ang mata ko, dahil sa pagtayo nya nahulog 'yung bata. Jusko! Paano kung unang nahulog 'yung ulo ng bata? Tyak, dadami ang Corin... Tsk! Tsk! Buti na lang talaga pwet 'yung unang bumagsak!
Tumawa naman si Briseis dahil sa nangyari kay Avery. "Buti nga sa'yo, Alien na bata!" asar ni Briseis sa kanya sabay belat. Napansin ko ha, mainit ang dugo ng bata 'to kay Avery. Kanina ko pa kasi nakikita at naririnig na tuwing nagsasalita si Avery, inaangilan nya.
Tumayo lang si Avery na parang walang nangyaring hulugan sa kanay 'tapos tumingin sya kay Briseis at bumelat!
"PANGIT!" nang-aasar na sabi nya. Sabay tago sa likod ni Sab.
"Ah ganun?!" inis na saad ni Briseis at tumayo. Tinitigan nya ng masama si Avery, na para bang pinagtatangkaan nya ang buhay nung bata. Ganun na lang ang gulat ko ng may kinuha syang Stan gun sa sling bag nya at tinuro kay Avery! Jusko! Ang batang 'to!

BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...