Chapter Fifty-nine

1.5K 42 9
                                        


AN: This is a special chapter! Pambawi sa matagal na update! Hehehe!



"WHY ARE YOU Alone?" napapitlag ako ng may biglang nagsalita sa may likuran ko. Mabilsi na tumingin ako sa likuran ko. May nakita akong isang batang babae na mas bata sa akin ng dalawa o tatlong taon. Naka-headband ang batang babae and she is wearing a black dress, na bagay naman sa okasyon na dinaluhan namin, LIBING!

Tumingin lang ako sa kanya at inirapan siya.

"Eh, bakit ka naglalakad na mag-isa?" tanong na sagot ko sa kanya. Paano kong kidnapin siya? Sa aming dalawa, mas lapitin siya ng trahedya! Ako pwede akong kidanppin, siya baka kidnappin siya at rapen!

Naramdaman ko siyang umpo sa may tabi ko. Nakaupo kasi ako sa isang bench. Tsk! Tumabi pa talaga ang babaeng 'to! Ayaw kong makipag-usap sa mga tao ngayon! Kasi si papa, sinama-sama ako sa burol ng 'kaibigan' niya, kaibigang ninakawan siya ng limang daang milyong pesos na kita nila sa negosyo nila! Tsk! Nakakainis si papa! Nakakainis ang pagiging mabait niya! Nagbigay pa kasi kami ng biscuit at kape sa burol nila!

"Sabi ng mama ko, umalis daw ako dun sa loob ng funeral kasi ayaw niyang Makita ko siyang makipagplastikan sa mga walang kwentang tao sa lipunan..." Napakunot ang nook o sa sinabi niya.

"Makipagplastikan sa mga taong walang kwentang tao sa lipunan" ulit ko sa sinabi niya. "Tinutukoy mo ba 'yung taong nasa loob ng funeral home?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. "Sinasabi mo bang walang kwentang tao sa lipunan ang papa ko?" galit na tanong ko sa kanya. Nasa loob kaya ang papa ko. Ang yabang naman ng mama niya! Baka ang mama niya ang walang kwentang tao sa lipunan! Sinalubong lang niya ang tingin ko. "Siguro." Sagot niya sabay kibit-balikat. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Pero isa lang ang sigurado, walang kwetang tao sa lipunan ang nakaburol ngayon..." dugtong niya.

Kumunot naman ang nook o. "Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Sabi ng mama ko, niloko daw ng lalaking 'yun ang bestfriend niya kailangan daw niyang pumunta ngayon dito at para makipag-plastikan sa mga taong nandito para matulungan niya ang bestfriend niya na maibalik ang nawala sa kanya..." nawala ang inis ko sa sinabi niya.

"Mama mo ba si Minerva?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ng mama ko?" curious na tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo ulit sa tabi niya.

"Ang papa ko ang sinasabi niyang kaibigan niya..." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumitig lang siya sa akin at maya-maya lamang ay ngumiti siya ng matamis. Nawala ang ngiti ko ng Makita ko ang matamis niyang ngiti. Napaiwas ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin, ang cute niya pala! Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Ahmm, ano ang pangalan mo?" nahihiyang tanong niya.

"My lolo call me Rina..."sagot niya.

Rina?

Nice name...

"Ikaw anong pangalan mo?" tanong niya.

"I'm Luke.." nakangiting sagot ko.

Tumango lang siya at may kinuha siya sa bulsa niya. It is a small pink notebook at ballpen na may feathers sa taas. May sinulat siya doon at tiningnan ko 'yun Napakunot ang noo ko nang pangalan ko ang sinulat niya dun.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon