Chapter Forty Two

1.9K 50 9
                                    

Sab's POV



Napangiti ako habang tinitigan sila Luke at 'yung mga bata. Nanonood sila ng Transformers sa laptop ni Luke. Nakaupo sa lap nya si Avery at nasa kanan nya si Briseis at si Arxhell naman ay nasa kaliwa.


Damn!


Naalala ko tuloy 'yung panahon na ganyan kami nila kuya at Spencer nung bata pa kami. Si Luke si kuya Sky, ako si Avery 'tapos si Spencer si Briseis at si kuya Bash si Arxhell. Napangiti ulit ako. Ang dali ng panahon... Akalain mo 'yun, dati ako ang priority ng mga mokong na 'yun, pero ngayon hindi na...


We used to hang-out together kahit na palaging nag-aaway si Spencer at si kuya Bash. Lagi kasing naiinis si kuya kay Spencer dahil mapapel daw si Spencer sa pamilya namin. Hindi ko naman masisi si kuya. Kasi si Spencer, minsan talaga 'pag tinatamaan sya ng pagiging baliw nya, 'yung pagiging 'Corin' side nya ha hindi 'yung ano...'yung isa, masama 'yun eh. Basta, 'yun na 'yun! 'Pag ganun syang mood, gusto nyang makitang matakot at umiyak 'yung kausap nya 'tapos ang sinabi nya pa talaga kay kuya Bash noon na kukunin daw nya lahat ng meron kami 'tapos kikidnapin nya ako at ang mama ko 'tapos ibe-brainwash nya kami para ipapatay si kuya Bash... Napatawa na lang ako ng mahina ng maalala ko 'yun. Syempre mahina lang ang tawa ko, 'yung ako lang ang nakakarinig! Ayokong marinig ako nung mga taong kasama ko dito! Baka kung ano pa ang isipin nila sa akin eh...


Nanlaki ang mata ko ng may naramdaman akong parang may basa sa pisngi ko. Hinawakan ko 'yun at ganun na lang ang pagmura ko ng ma-realize kong ano 'yun. Shit! I am crying? The hell! Agad na pumunta ako sa kusina at pinunasan 'yun.


Naman oh! Ba't ba ang iyakin ko?! Atsaka ang OA ko ha?! 'Tapos nagdadrama pa ko! Bwisit!


Akala ko pa noon na 'pag naging 18 na ako hindi na ako iiyak... pero... Napabuntong hininga na lang ako. Hay!


Nakakainis kasi!


Ang alam ko kasi may dalawa akong kapatid 'tapos nag-asawa 'yung isa at nagkaanak ng kambal 'tapos 'yung isa kong kuya pumunta ng Paris at 'pag uwi nya ay may dala na syang asawa at anak. 'Tapos boom! Nagulat na lang ako na hindi na pala ako ang princesa sa bahay namin. May Storm at Anastascia na ang dalawang kuya ko. 'Tapos may Avery, Arxhell at Briseis pa sila.


Naiinggit? Hindi! Hindi naman ako naiinggit! Siguro noon, hindi ...Pero ngayon, tuwing tinitingnan ko sila, oo naiinggit ako. Gusto kong ibalik 'yung panahon. Sana bata na lang ulit ako.


Kasi... Tuwing nakikita ko ang mga batang 'to... Naiisip ko 'yung mga panahon na dapat close ako kina mama at papa pero hindi 'yun ang nangyari eh. Lumayo ako sa kanila. I ignored their love for me. Kaya puno nga ako ng pagsisisi ngayon eh....


Kaya ngayon, naiinggit ako sa mga batang 'to! Kasi... What if hindi ako nag rebelde sa mama ko? Siguro ngayon, nasa bahay ako at nag sho-shopping kami. Everyday nya akong sinsabihan ng I love you anak. Lagi kaming magkasama nila papa at mama. 'Tapos mag ca-car racing kami ni papa sa village namin 'pag ten thirty na ng umaga at ako 'yung laging i-che-cheer ni mama kaya magagalit si papa at ifi-fire nya lahat ng cook namin dahil ako na lang 'yung palulutuin nya ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang parusa...

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon