"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
"SAB AALIS NA AKO!" paalam ko sa kanya. Napangiwi ako ng wala man lang akong nakuhang sagot sa babaeng 'yun! Nasa kwarto kasi si Sab at ewan kung ano ang ginagawa nya. Pagkatapos kasi naming kumain ng breakfast, nagpaalam syang may kukunin sa taas para sa exam ko ngayon. Pero kanina pa ako naghihintay hindi pa sya bumababa male-late na ako. Bahala nga sya! At bakit ba ako naghihintay, alam ko naman na de-demahin lang ako ng babaeng 'yun. O di kaya pinagtitripan lang ako.Tsk!
Pinihit ko na 'yung door knob at lumabas.Tsk! Maglalakad pa naman ako papuntang school. Kinuha kasi ni Sabrina 'yung susi ng kotse ko. Sabi nya kasi, imbes na i-pang gasolina ko 'yung pera ko, ibigay ko na lang daw sa kanya. Hindi pa daw masasayang! Kaya ayun!
Pero kakaiba ang kinikilos ni Sab ngayon at kahapon din pala... Sya kasi ang nag prepare ng breakfast ko eh at sobrang sarap nang mga niluto nya. Akala ko nga may lason 'yun eh, kasi iba talaga ang kinikilos nya. Feeling ko nga hari ako kanina.
Ginising nya rin ako sa MALUMAY na paraan kanina. Hinanda nya rin ang gamit na gagamitin ko. Sya nga rin ang nag-ayos ng polo ko. At ang pinakamagandang nangyari ngayon araw ay ang bait-bait nya sa akin at hindi nya ako inuutusan ngayon.
Wala kasi kaming katulong eh. Actually, meron sana.. Kaso nagsiresign ng makita 'yung alagang ahas ni Sabrina. Sino ba naman kasi ang hindi magre-resign kapag nakita mo 'yung amo mo, pinapakain 'yung alagang ahas nyang sobrang laki ng buhay na biik?
Kaya nga natatakot ako ng sobra eh. Baka may iniisip na hindi maganda ang babaeng 'yun! Hindi ko pa naman alam ang takbo ng utak nya!
At kahapon naman, tinuruan nya ako sa mga subjects ko. Doon ko napatunayan na matalino talaga sya. Kasi kahit ilang beses na 'yung inulit ng teacher ko sa pag discuss sa klase namin hindi ko maintindihan, pero ng sya ang nag-explain, agad kong naintindihan. Feeling ko nga na naambunan ako ng talino ni Sab. Kasi na-perfect ko 'yung binigay nyang short quiz. MATH 501, ang subject na 'yun!
At kung napapansin nyo Sab na ang tawag ko sa kanya. Sya mismo ang nagsabi na Sab ang itawag ko sa kanya. At Luke naman daw sa akin. Tsk! As if may choice pa sya! Isa lang ang first name ko! Nagtitipid ang tatay at nanay ko sa pangalan eh!
Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng busina. Agad na napakunot ang noo ko. Katunog kasi nung sa sasakyan ko! Lumingon agad ako at nakita ko ang sasakyan ko. Lintek! Ano ang ginagawa ng jaguar ko dito sa daan? Lumapit ako doon at bago pa ako tuluyang makalapit ay may lumabas na babae at naka-shades pa ang babaeng 'yun.... at ang babaeng tinutukoy ko ay walang iba kundi si Sabrina.... Malamang! Nasa kanya kaya ang susi ng kotse ko.
Napanganga ako ng humarap sya sa akin at ngumiti. Holy Sh*t! Tinitigan ko sya ulo hanggang paa. Kung ano ang kinaganda nya kapag hindi nakaayos... Ewan ko na lang ngayon kung ano ang dapat kung gamiting salita pang describe sa kanya ngayong nakaayos sya! Nakabestida lang naman sya na hanggang tuhod kaya kitang-kita ang makinis at mapuputi nyang binti. 'Tapos 'yung bestida nya pa, hubog na hubog sa katawan nya. Naka headband pa sya dahil nakalugay ang buhok nya. Kaya nga kung titingnan mo sya para syang hindi makabasag pinggan, pero alam naman na 'tin ang totoo. Ang ganda-ganda talag ang babaeng 'to!
Pero hindi 'yan ang issue dito! Sabi nya kaya hindi pwede gamitin ang kotse ko ay dahil sayang ang pera para sa panggasolina nito? Eh ano 'tong ginagawa nya? Palusot lang ba 'yung sinabi nya para sya 'yung gumamit ng kotse ko? At bihis na bihis sya ha, maglalakwatsa ba sya?!
Inis na lumapit ako sa kanya...
"Sab! An--
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.