"Sab tama na ba 'to?" sigaw na tanong ko sa kanya. Nakamaywang ako habang nakatingin sa kamang tutulugan namin.
Narinig ko lang syang nagmura. "Luke 'yung totoo saan mo nilalagay ang utak mo?!" inis na tanong nya. Napatingin ako sa pintuan ng banyo. Aba't! Anong tingin nya sa akin. "Paano ko makikita kung nasa loob ako ng banyo?!" sigaw nya. Napatampal ako sa noo ko dahil sa sinabi nya. Nga naman! May point sya! Bakit ko ba kasi tinanong 'yun eh?! Tanga! Tanga!
Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Inayos ko na lang ulit 'yung kamang tutulugan namin.
Kainis naman oh! Ano ba ang gagawin ko dito?! Kanina pa ako pagpag ng papag na kahit alam kong wala namang alikabok at kanina pa ako ayos ng ayos kahit maayos naman ang pesteng kamang 'to! Aish! Napahiga na lang ako sa kama.
Napatingin ako sa cellphone ni Sabrina ng may nag-vibrate doon. Wala sa sariling kinuha ko 'yun. Tumayo ako at napangiwi ako ng makita ko ang 'Jack's calling...' sa screen ng cellphone nya.
Sino na naman kaya ang Jack na 'to?! Lalaki nya? Psh! Naalala kong sinambit ni Sabrina ang pangalan 'Jack' doon sa function hall kanina ha! Baka empleyado nila o baka butler... Psh! Napangiwi ako habang nakatitig sa screen ng cellphone nya.
"Sab, may tumatawag sa 'yo! Jack ang nakalagay sa screen!" sigaw ko sa kanya. Hindi kasi tumigil sa pagtawag eh, baka unli!
" Pakisagot naman oh!" utos nya. "Paki-loud speak na rin Luke! Thanks in advance!" I just rolled my eyes. Kung makautos sya ha!
Kinalikot ko na lang 'yung cellphone nya.
Nagulat pa ako ng ini-swipe ko 'yun, hindi man lang nanghingi ng password! Uso kasi 'yun eh! 'Yung akin nga meron. Napatingin ako sa pinto ng banyo. Wala sigurong tinatago si Sabrina kaya malakas ang loob nyang hindi maglagay ng password!
Atsaka ano naman ang itatago nya?! Hindi naman sya siguro 'yung tipong magda-download ng x-rated videos sa cellphone nya.
Sinagot ko na lang 'yung si Jack. Tumayo ako at lumapit sa may banyo para marinig nya ng mabuti.
"Hoy! Mahal na reyna! May balak ka bang gumaradute sa pagiging Master in Business management?!" nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ng isang babae? Kailan pa naging pambabaeng pangalan ang Jack? Napangiti ako sa wala sa oras. Wala lang gusto ko lang ngumiti! "Baka nakakalimutan mo, sa susunod na linggo ang pasahan ng -
Nagulat ako ng may kumuha ng cellphone ni Sabrina at nakita ko siya. Hindi ko man lang naramdaman na nasa likuran ko na pala sya. "Hoy ka rin pizza!" sigaw nya sa cellphone nya. Umupo sya sa kama at inilagay nya ang cellphone nya sa may harapan nya. Napakunot ang noo ko. Anong pizza ang pinagsasabi nya? Ganun ba sya kaantok kaya nanaginip sya ng pizza kahit gising na gising pa sya?
Nagulat ako ng tumawa bigla si Sabrina! "Wala! Wala akong balak maging master in business management!" sigaw nya.
Napatingin ako sa suot ni Sabrina. Agaw pansin eh! Ngayon lang kasi ako nakakita ng pajama na parang pang-EMO! May mga words kasing nakasulat na kulay itim doon gaya ng 'sadness' 'happy' 'alone' 'depress' at 'hashtagfeelingpainter' pero may red, yellow at orange naman na kulay para sa mga bulaklak na nakapalibot sa word na nandoon. Argh! Ewan! Hindi ko ma-explain 'yung design ng pajama nya! Tingin ko at hula ko na ng sinamapay nya siguro 'yung pajama nya sa samapayan may kumuhang bata at pinagsusulat-sulatan ng kung anu-ano 'yung pajama nya.
Basta mukhang pang -Emo 'yung pajama nya!
Oo!
Pang-EMO 'yung pajamang suot nya.... na parang hindi. Napangiwi ako bigla. Humarap kasi sa akin si Sabrina habang kinakausap si Jack at nakita ko 'yung snowman sa frozen..... Olap yata ang pangalan nun, na nasa harapan ng pajama top nya. At ang nakakainis pa naka-belat pose ang pesteng snow man na 'yun! Saan kaya nya nabili ang damit na 'yan?!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Literatura Feminina"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
