Sab's POV
"BABY GUSTO MONG SUMAMA?" napalingon ako kay kuya ng bigla niya akong kinausap. Limang araw na ang nakalipas ng magkausap kami ng Luke na 'yun at limang araw ko na ring hindi nakikita ang mama ko. Hindi ko alam kong saang lupalop siya pumunta. Impossible namang naghanap siya ng ginto o mga artifacts eh sa tanda niya, baka maging sagabal pa siya noh sa mga kasama niya! Asar! Hindi ako mapakali ditto sa bahay! Lalo na at kasama ko 'tong kuya ko na walang ginawa kundi kalikutin ang cellphone niya.
"Saan?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagkalikot nung cellphone niya at tumingin sa akin.
"Sa Luneta." Sagot niya. Napakunot ang noo ko. Bumalik naman siya sa pagkalikot ng cellphone niya.
"Anong gagawin mo dun?" tanong ko. Don't tell me, na-miss niya si Rizal? Tsk!
"Maghahanap ng pokemon." Naitaas ko ang isang kilay ko. Shit! Hindi ko po kuya ang lalaking 'to! Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya at tumingin sa bintana.
"Busy ako." Sabi ko na lang sa kanya.
"Anong kinabubusyhan mo aber?" inis na tanong niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Inilipat ko kasi 'yung sofa sa may bintana at doon ume-emo! "Come on!" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. "Punta na tayong Luneta baby..." pangsusumamo niya. Alam ko na sa mga oras na 'to ay maging mabait na kapatid ako sa kuya ko dahil para siyang mamatay kapag hindi makapunta sa Luneta at makahuli ng pokemon but no! Mas malaki ang problema ko kaysa sa paghuhuli niya ng pokemon! Peste!
Inis na hinablot ko ang kamay ko sa kanya. Bwisit! Ako lang ba ang concern sa mga magulang ko?! Seriously?! My brothers are useless! Itong isang 'to busy sa pokemon 'yung isa naman busy sa pag-aalaga sa baby niya. Asar! Sana ako na lang 'yung naging panganay! Ako lang yat ang hindi weird eh! Ako lang 'yung normal! Kainis talaga! "Ano bang meron sa Pokemon na 'yan at bakit feeling ko mamatay ka kapag hindi ka nakakita?!" inis na tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo niya at tumawa ng alanganin.
"Na-unistall ko kasi 'yung pokemon ni Anastacia kaya lagot ako kapag hindi ako nakahuli ng pokemon." Sabi niya at ang mahina pa talaga ang boses niya ng sabihin niya 'yun. "Level 40 na kaya siya." Dugtong niya pa at bigla siyang nag make-face!
"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sigaw ko at tumayo ako sa pagkakaupo 'tapos pumunta sapintuan para makaalis sa bahay na 'to! Ayoko na! Sana hindi na lang talaga ako bumalik dito sa Pilipinas! Wala naman pala akong magandang bagay na mahihita dito! Bwisit! Sana tinanggap ko na lang 'yung scholarship na binigay sa akin ni Spencer two years ago! Yup! Spencer want me to finish my MBA. Eh sa ayoko! Bahala nga siya! Ano ako tanga?! Alam ko pagkatapos kung grumaduate sa Masteral na 'yan, papatrabahuin niya ako sa kompanya niya! Kaya nag arts-arts ako sa England eh para kung may plano man ang pamilya ko na patrabahuin ako sa kompanya may ire-reason out ako. Hindi ko field ang business! Arts ang hilig ko kahit hindi! Pero ngayon, naghihinayang ako. Dapat tinanggap ko na lang 'yun kasi kung tinanggap ko 'yun bibigyan ako ni mama ng malaking pera para maging puhunan ko sa negosyong papasukin ko at hahayaan nila ako sa buhay ko! Asar! Speaking of, nasa huli ang pagsisi! Asar talaga!
Napahinto ako sa paglalakad nang mapadpad ako sa playground ng subdivision nila kuya Bash. "Arghhhhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ko. Malakas ang loob ko na sumigaw dahil walang tao run. Kainis! Inis na napa-squat ako. Sinusbsob ko ang mukha ko sa may tuhod ko at tinakpan ko 'yun ng braso. I want to cry. Gusto kong magwala! But hell! I can't and I won't! I know sobrang tigas ko pero kasi kong iiyak ako, ano ang mapapala ko? It is not the right time to cry! Ang kailangan kong gawin ay gumawa ng paraan para 'wag maghiwalay ang magulang ko! Bu hell! My only solution is.... Shit! Shit! Shit! Walang pakinabang!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
