"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
I KNOW alam kong mali ang ginawa ko kanina. 'Yung sinigawan ko at sinaktan ko siya kanina pero kapag naalala ko 'yung ginawa niya two years ago, parang sinabi ng inner conscious ko na quits lang kami. Napailing na lang ako. Inner conscious, may ganun ba?
Napatingin ako sa harapan ko. She's busy eating at pagkalikot sa cellphone niya. I don't know at anong nakain ko at um-oo ako sa kanya kanina....
Flashback
Two hours ago
SHIT! Sinigawan ko ba talaga si Sab?! Damn! Siya naman kasi eh! Kung makahampas wagas! Pero mali pa rin 'yun! Argh! Shit! Mabilis na kinuha ko 'yung susi ko para mabuksan ko ang kotse ko agad nang makita ko 'to. Kailangan kong makaalis dito!
Hindi ko alam na nakauwi na siya. Ang alam ko lang nasa England siya and God knows kung ano ang ginagawa niya doon! But... now! Argh! Ayoko munang isipin siya! Ang bilis ng pangyayari! Kaninang umaga kasama ko ang mama ko na umiiyak dahil may kabit daw ang tatay ko. Sinundan ko 'to at nakita ang babaeng ayaw ko nang Makita sa buong buhay ko 'tapos nakita ko na ang nanay niya; ang kabit ng tatay ko. Hinampas ako ng babaeng ayaw ko nang Makita ng pinigilan kong kuryentehen niya ang tatay ko and now... I'm confused! Mababaliw na ako!
Nang mabuksan ko 'yung kotse ko ay agad na sumakay ako at pinatakbo 'yun. Makakalabas sana ako nang parking lot ng may biglang humarang sa dinadaaanan ko. "Shit!" kinakabahang sigaw ko. Muntik na! Muntik na akong makasagasa! Thank God at mabilis na natapakan ko ang preno at hindi siya nasagasaan.
Mabilis na lumabas ako sa kotse para tingnan 'yung muntik ko nang masagasaan.
"Sabrina...." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Siya kasi 'yung biglang humarang sa sasakyan ko. Biglang kumulo ang dugo ko. "Ano bang nasa utak mo at bigla ka na lang humarang sa dinadaanan ko?! May balak ka bang magpakamatay ha, Sabrina?!" inis na sigaw ko sa kanya. Nakapikit siya pero dahan-dahan niyang dinilat ang mata niya. Chineck niya ang katawan niya.
"Oh, I'm alive." Sabi niya na para bang hindi narinig ang sinabi ko kanina sa kanya. Damn, Sabrina! Napasapo na lang ako sa noo ko. God! This girl is impossible! Pinagpag niya ang damit niya at tumingin sa akin.
"You!" sigaw niya sa akin sabay turo. "Sinigawan mo ako, alam mo bang hindi ako sinisigawan ng mga magulang ko pero ikaw..." tinaasan niya ako ng kilay at maangas na tiningnan. "Sinigawan mo akong hayop ka!" galit na sigaw niya.
Maang na napatingin ako sa kanya.
Wow!
Hindi ako maka-react sa sinigaw niya. Eh siya kaya... Shit!
"And because of that you should treat me..." sabi niya at nilagpasan ako. Napasunod ako ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang pumunta sa may kotse ko at sumakay dun.
Oh shit!
End of flashback
AT 'yun ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa isang maliit na restaurant. Napatitig ako sa mukha niya. Wala namang pinagbago sa itsura niya. "yung ilong niya, labi niya mga mata at hulma ng mukha. 'Yun pa rin. 'Yun nga lang, malaki ang eye bags niya siguro dahil busy siya sa buhay niya at 'yung buhok niya, pinaggupitan niya na bagay naman sa kanya. Mas lalo nga siyang gumanda-Damn! Ano ba ang ginagawa ko!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napansin niya siguro na may nakatitig sa kanya kaya bigla siyang tumingin sa akin 'tapos tinaasan ako ng kilay. "What?!" naiiritang tanong niya.
Napailing na lang ako. Kailangan ko ng bilisan ang pagkain ko sa inorder ko kanina. Para matapos na 'to at umalis na ako at bahala na siya sa buhay niya kung gusto niya pang kumain o omorder ng bago, mag-iiwan lang ako ng pera ditto sa mesa.
I know, mukha akong tanga. Iniiwasan ko siya. Ikaw kaya ang awkward! Sobra!
"Luke, hindi mo ba ako kakamustahin?"
Napatingin ako sa kanya.
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.
Ngumiwi lang siya. "Tsk! 'Wag na nga lang!" sabi niya sabay baba niya sa phone niya at tumingin sa akin ng seryoso. "Anong plano mo ngayon matapos mong Makita mo ang tatay mo na kalampungan ang babaeng nanay ng babaeng nanloko sa 'yo two years ago?" diretsong tanong niya.
Nagulat ako sa tinanong niya. I mean. Hindi ko inaasahan na sa kanya ko maririnig ang salitang 'yun. Ang babaeng nanloko sa 'yo , two years ago. Umupo na lang ako ng tuwid bago siya sinagot.
"Actually, wala pa! Right now, naguguluhan ako Sab." Sagot ko sa kanya. Tumango-tango lang siya.
"Really?" disappointed na tanong niya. Hinawakan niya 'yung tinidor at ginamit niya 'yun para paglaruan ang spaghetti niyang nasa plato. "Ako meron na eh..." sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Plano? Don't tell me, ipapa-salvage niya ang tatay ko?
"Ano naman ang plano mo?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya paglalaro nung spaghetti at tumingin sa akin ng seryoso.
"Lets get married." Madiin na sagot niya. Bigla akong nabingi pagkatapos niyang sabihin 'yun.
"Ano?!" hinsi ko mapakapaniwalang tanong sa kanya.
Binitawan niya ang hawak niyang tinidor at huminga ng malalim.
"My mother loves me. Kahit anong bagay na gusto ko na kaya niyang ibigay, ibibigay niya kahit na may pagkamaldita ako o 'di kaya masakit para sa kanya ang gagawin niya." Huh? Hindi ko maintindihan. Nakita naman niya siguro na hindi ko naiintindihan ang sinabi niya kaya huminga siya ng malalim at nasalita ulit. "My point is. Kapag nagpakasal tayo, my mama will leave your dad. Kasi ayaw ni mama na maging sagabal siya sa kaligayan ko........" seryosong sabi niya. Napaawang ang labi ko. Tama ba ang rinig ko. Kaligayan ko? "But the truth is it just a lie. A front. Magpapakasal lang naman tayo para matigil ang kalaswaan nila and the we will file an annulment after that ..."sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng babaeng 'to. Kung makaalok ng kasal parang nagbibigay ng candy lang 'tapos kung makapagsabi sa plano niya parang kausap lang niya 'yung kabigan niya na nag-iisip paano maka-download ng pokemon go?!
Shit!
Pero may point ang sinabi niya 'yun nga lang!
"Pero Sab, hindi pa nga tayo sure kung kabit ba talaga ng daddy ko ang mama mo!" sabi niya. Shit! I hate it! I hate this side of her! Kung makapagsalita ng kasal parang wala lang sa kanya. I hate it! Kasi parang two years ago lang! Kung maka-announce siya na fiancée ko parang totoo pero 'yung totoo, trip langniya pala 'yun! Damn it! Nakakasar na 'to! Ayoko!
"Magpapa-annul ang mama ko sa papa ko. Nakita mong lumabas ang mama ko at papa mo sa isang kwarto kung saan 'yung mama ko, magulo ang buhok, wala ng mak-up at higit sa lahat hinalikan sa lips ang tatay mo! Tell me kung hindi mo tatay 'yun ano ang masasabi mo sa dalawang 'yun?" seryosong tanong niya.
Naikuyom ang palad ko. I gritted my teeth. Ayokong sabihin 'to pero she leave me no other choice.
"Gaya ng sabi mo, ikaw ang babaeng nanloko sa akin two years ago." Malamig na sabi ko sa kanya. Napayuko ako dahil ayokong Makita ang mukha niya. "Alam mo bang galit pa rin ako sa 'yo, Sabrina Xenon Endonable Buenavista! Ginawa mo akong tanga! Pinaglaruan mo ang buhay ko pati na ang mga kaibigan ko. You..." huminga ako ng malalim. Hindi 'to oras sa pag-uungkat ng nakaraan! "Kaya sabihin mo nga sa akin, bakit ako magtitiwala sa babaeng nanloko sa akin, two years ago?" madiin na tanong ko.
"Because it is the best solution to our problem. And I will bet our entire company, my name and my life na kung hindi lang ako ang babaeng nanloko sa 'yo two years ago, walang pagdadalawang isip na oo ka sa plano ko. I know na mahirap pagkatiwalaan ang isang taong nanloko sa 'yo but Luke, magpakatotoo tayo. Two years ago, 'yung mga panahong magakasama tayo, it is not bad at all." Sabi niya sabay tayo. "I think I know your answer kaya bahala ka na sa buhay mo." Dugtong niya sabay talikod sa akin at umalis na siya. Naiwan akong naguguluhan sa kanya. Damn!
AN: nag change na po pala ako ng caharacter kaya kung magtaka kayo kung bakit si Shin min-ah ang nasa photo.