"Bakit ang haba ng nguso mo?" tanong ng mahal kong pinsan. Tinitigan ko lang sya. 'Tapos tumingin ako ulit sa mesa kung nasaan ang pera ko.100 million pesos ang nandun! Asan na 'yung 400 Miliion ko, na-Napoles!?
Dalawang bese ko na kasing binilang 'yung perang pinadala sa akin ni lolo at One hundred million lang talaga!
"Lolo is a big fat liar!" inis na sabi ko sa kanya. "Sabi nya 500 million pesos ang binayad sa akin ni Sylvestre, bakit 100 million lang ang nandito?" tanong ko sa kanya. Tinuro ko pa sa kanya 'yung pera ko. Hindi nya 'yun tiningnan bagkus ay binatukan ako ng bwisit na pinsan ko. Ang lakas ng pagkakabatok nya.
"Jack, ang sakit nun!" inis na sabi ko sa kanya. Tumayo ako at hinawakan ko 'yung buhok nya para sabunutan sya pero hinawakan nya 'yung dalawang kamay ko at tinalian nya 'yun ng tie box. Inilagay nya 'yung kamay ko hita ko at pinatungan ng paso na may lamang malaking cactus! Shit! "Jaquelyn P--
"Subukan mong, banggitin ang second name ko, ihuhulog kita sa eroplano ko!" banta nya sa akin. Binelatan ko lang sya.
"Pepperoni..." malambing na sabi ko sa pangalan nya. Tinitigan nya ako ng masama. Nginitian ko lang sya. Lumapit sya sa mesa kung nasaan ang pera ko. Nanlaki ang mata ko ng kumuha sya doon. Humarap sya sa akin at mala-demonyong nginisihan ako. "Kung sunugin ko kaya 'to..." Nanlaki ang mata ko.
"Corin!" tawag ko kay Corin. Kailangan ko ng back-up! "Tu--
"I'm sorrry my dear cousin but your maid is busy playing tetris!" sabi nya. I just rolled my eyes. Kahit mahalaga pa ang ginagawa ni Corin, iiwan nya 'yun para sa akin. Sinipaan ko lang sya sa paa. Napa-aray sya.
"Alam mo kung hindi kita pinsan, matagal na kitang inilibing ng buhay. Nakakainis ka na kasi eh!" sabi nya. Dinuro-duro nya pa ako. Inis na tinitingnan ko sya.
"Oh yeah? Pakawalan mo ako at magsuntukan tayo, tingnan na 'tin kung sino ang maiilibing ng buhay sa ating dalawa?" palaban na tanong ko sa kanya. Nginisihan lang nya ako.
"Pinsan nga kita." sabi nya. Binalik nya ang pera ko sa mesa at lumapit sa akin. She tap my head. "Hindi kita pakakawalan, baka bigla ka na lang tumalon sa eroplanong 'to!" sabi nya.
Anong tinigin nya sa akin?! Adik?!
Tumalikod sya sa akin at kumuha ng isang magazine sa maliit na shelves nya. "Ano ang una mong gagawin sa Italy, Sabrina?" tanong nya.
"Matutulog!" agad na sagot ko sa kanya. Malamang magkaka-Jetlag ako. Ilang oras kaya ang byahe pa-Pilipinas papunta sa Italy. Kaya matutulog ako.
"Talaga?" tanong nya. "Eh bakit, may bahay ka ba doon?"
Napatikom ako sa sinabi nya. May iba kasi sa tono nya. Wala kaming bahay doon. Pero ang kuya Skylar ko meron... Bigla akong kinabahan. "Ano ba ang ibig mong sabihin?"
"Your mother..." nanlaki ang mata ko. NO! Don't tell me... "May pinadala syang dalawang butler at ang pangalan nila ay Renji at Jessica..." nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman kong ano na! Akala ko kasi na iuuwi ako ni Jack sa bahay namin dahil kay mama. Ay hindi! baka ang worst eh, nandoon ang kuya ko at ikadena ako para maiuwi sa bahay ng sapilitan!
That stupid freak!
Magka-vibes kasi sila ni Jack eh!
"Okay ang dalawang 'yun." sabi ko sa kanya. Okay naman talaga ang dalawang 'yun. Sigurado ako na ang papa ko ang nagpadala nun. Hindi na naman siguro mapakali ang nanay ko. Ewan ko ba dun, tingin sa lahat ng taong nasa paligid ko ay may planong saktan ako. Hindi naman kasi sya ganito kina kuya Sky at kay Bash. Hindi rin sya ganito kay Spencer. Kaya ewan ko ba kung bakit tungkol sa akin, napa-praning sya. Tinanong ko sya tungkol doon pero wala akong nakuhang matinong sagot!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
