Chapter Ten

4.6K 126 9
                                    

Tulala akong nakatitig sa tatlong testpaper ko. 120/120, 80/80 and 73/75.... Damn it! Score ko ba talaga 'to? Kung score ko talaga 'to... Yes! I'm 75% sure na makakagraduate ako ngayong taon! 25% na lang 'yung hindi. Mayroon pa kasing 2nd term kaya may apat na subjects pa akong kailangan problemahin!

Salamat lahat  'to kay Sabrina... 

Nakangiting nilagay ko 'yung mga testpaper sa bag ko. Ang saya! Hindi na ako uutusan pa ni Sabrina sa mga gawaing pambahay. Na-perfect ko exam ko eh! Pangako kasi nya 'yun... Actually, kapag napasa ko... Kaso hindi lang pasa ang ginawa ko eh... PERFECT SCORE!

Kaya ang mabuting gawin ni Sabrina ay maghanap ng katulong...

"Luke!" napaligon ako sa likuran ko ng may sumigaw sa pangalan ko. Nakita ko si Kyle na kumakaway. Kasama nya 'yung tropa.

Lumapit ako sa kanila. "Cap, bakit pinatawag ka ni Prof. Tuka?" agad na tanong sa akin Stanly ng makalapit ako sa kanila. Napakunot naman ang noo ko sa tinanong ni Stanly...

Ang layo naman kasi ng Depatment ng Engineering sa Business Administration kaya paano nya nalaman..... 'Tapos ilang minuto pa lang naman ang lumipas ng mapatawag ako kaya... 

"Cap!" napalaingon kaming lahat sa may likuran namin ng may sumigaw ng malakas. Tsk!  Nakita ko si Steven. Kumaway ito sa amin at tumakbo ng mabilis. Problema nya? At kailangan talagang sumigaw? Taga-bundok ba sya?

"Luke... Ano ang sinabi ni Prof sa 'yo?" hinihingal na tanong ni Steven. Ngayon alam ko na! Si Steven na naman ang nagsabi sa kanila. Hay! Steven! Ang bibig mo paki-stapler!

Napailing na lang ako!

Grabe! Nakakainis talaga kung paano kabilis kumalat ang tsismis lalo na 'pag galing sa GM ni Steven. Sigurado kasi nag-gm na naman ang mokong na 'to kaya nalaman nila Stanly. Kaklase ko kasi sya kanina ng pinatwag ako. Tsk! Tsk!

Bwisit na Steven 'to! Minsan, natatanong ko kung bakla ba 'tong si Steven. Hindi kasi marunong makapagtago ng sekreto sa sobrang kadaldalan, ma-babae man o lalaki ang kausap nya. Talak ng talak! Kaya hindi nakakapagtaka na lagi syang sinisita ng mga prof namin dahil sa kaingayan nya....

"Cap, bakit ka ba pinatwag kanina?" nag-aalalang tanong ni Jules.

Pinatawag kasi ako sa isa sa mga professor ko kanina. Hindi ko alam kung bakit... Wala naman kasi akong ginawang kabalastugan ngayong linggo kaya nagulat ako ng pumunta 'yung assistant niya sa classroom ko....

 'Tapos nakakainis pa, 'yung assistant na 'yun, tinakot pa ako kesyo dahil daw may ginawa akong masama kaya pinatatawag ako... Pasalamat sya at babae sya kaya hindi ko nabatukan ang babaeng 'yun. 

'Pagkadating ko doon, binigay lang sa akin 'yung mga test paper ko at ki-nangratulate ng mga prof ko. Malaki daw kasi ang tsansa na makakagraduate ako! Psh! 'Di sila na ang masaya!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon