Chapter Seventy-six

837 32 8
                                        


AN: Hey guys! Sorry sa sobrang tagaaaaaaaal na update! Marami kasing nangyari. Sana magustuhan niyo ito. Happy reading!

Sabrina

"Good morning!" Masayang bati ni Luke sa akin pagkadilat na pagkadilat ko ng mga mata ko. Mabilis na iniangat ko ang kumot para matakpan ang dibdib ko at hinawakan yun ng mahigpit.

Hindi ko mapigilan ang pisngi kong mamula pagkatapos.

Titig na titig sa akin si Luke.

"Pwede ba 'wag mo akong titigan ng ganyan." Sabi ko sa maliit na boses. Panaka-naka pa akong tumingin sa kanya.

"Ayoko nga!" Mabilis na sabi niya. Bumangon siya ng kaunti at inilapit ang labi sa tenga ko. "Ang ganda kaya ng tinitigan ko." Sabi niya at bumalik ulit sa pwesto niya kanina.

Mas lalong pumula ang pisngi ko. Feeling ko, umabot hanggang talampakan ang pamumula ko.

Mabilis na hinampas ko siya sa balikat.

How could he do this to me?!

Bakit niya pinaparamdam sa akin ang mga ganito!? Hindi ako mapakali! Gusto kong umikot-ikot sa kama ko. But ayoko. Baka sabihan pa ako ni Luke na siraulo!

Tumawa lang si Luke sa ginawa ko and damn. Bakit ganoon ang sarap sa tenga ng tawa niya? Nakaka... Nakagat ko ang labi ko at umiling. My Ghed! Kaaga-aga kong ano ang pumapasok sa utak ko!

Bad, Sabrina!

Sumeryoso si Luke habang nakatitig sa akin.

"Good morning, mahal ko." Malambing na sabi niya habang tinitigan ulit ako.

Yung titig niya sa akin na para bang ako yung pinakamagandang babae sa buong mundo!!!!

Naman eh!

Atsaka...

Mahal ko?

Kinagat ko ang dila ko para hindi mapangiti.

Kailan pa siya nagsimulang tawagin ako ng ganoon?

Wala naman yata kaming usapan na ganoon?

Kailangan ko na rin ba na mag-isip ng emdearment sa kanya?

Ano naman kaya yun?

Hubby? Tsk. Lakas maka on the wings of love ah!

Sweety? Nooooo! Lakas maka-Home sweety home! Atsaka baka matulad lang kami nila Toni at John Lloyd sa teleseryeng yun! Baka may Ellen Adarna pa na dumating sa buhay namin at agawin si Luke! Kaya no! Ayokong mangyari yun!

Baby?  Masyado naman yatang pa-bebe.

Babe? Ayoko. Ang baboy lang?!

Darling? Ahmmm... Okay naman pero hindi ko bet!

Dear? Hmmm... Hindi ko rin bet.

Yung pesteng MOO kaya? Na ang ibig sa sabihin My One and only love?

Napangiwi ako.

Ang baduy naman nun!

Mahal ko? Pero kung yun ang itatawag ko sa kanila, gaya-gaya naman ako sa kanya. Aish! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga endearment na yan!

Napatingin ako kay Luke nang halikan niya ako sa pisngi bigla.

Gulat na gulat ako.

Shucks!

"Ang lalim yata ng iniisip mo..." sabi ni Luke na para bang sinasabi niya sa akin na yun ang dahilan kaya hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ko yun pinansin kasi ang major concern ko ay ang ginawa niya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon