Chapter Fifty-Three

1.1K 31 5
                                        


"One thousand times one hundred?" inosenteng tanong sa akin ni Louie. Manghang napatingin ako sa kanya. Binibiro ba ako ng gagong 'to? Simpleng one thousand times one hundred hindi niya alam? Seriously, anong mga kaibigan na meron ako?

"Binibiro mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ngumiwi lang siya at napakamot sa ulo niya.

"Hahaha..." plastick na tawa niya. "Bakit ba ako sa 'yo nagtatanong, may calculator naman sa tabi ko..." sabi niya sabay kuha ng calculator na nasa tabi niya. "One thousand times one hundred is equals..." sabi niya habang nagty-type sa calculator. "Oh, One..." napakunot ang noo ko ng bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Naitaas ko ang isang kilay ko ng inilapit niya ang isang kamay niya sa may screen ng calculator at nagbibilang ng mahina... "Wow! Lima ang zero..." manghang sabi niya sabay lingon sa likuran niya. "Kyle diba kapag lima ang zero, thousand pa 'yun?" inosenteng tanong niya.

Tumigil si Kyle sa pag-aarange ng tig sasampung singko pesos at tumingin kay Louie. "Oo..." alanganing sagot niya.

"Wow, edi ganun, maraming one thousand lang pala lahat ng 'to eh!" nakangiting sabi niya sabay lagay sa box nung mga pera!

Napanganga na lang ako. Maraming one thousand? Lahat? Tsk! Kailangan pa yata naming ulitin ang pagbibilang ng kita namin ah! Napagkasunduan kasi namin-ay, ang plano pala ay dapat makaabot sa Two hundred pesos ang pera namin. At para maka-less daw kami sa pamasahe, mag ta-tracking na lang kami. Van nila Sandro ang gagamitin namin at mga promo lang na nakikita sa mga dyaryo ang sasakyan naming barko. At ayon ito kay Sab.

Hindi ko alam kong ano ang nakain ni Sab at napaka-supportive niya sa akin but I'm thankful. Dahil dun, nasusuyulunan niya ang problema namin.

Pero... Seryoso? Si Louie...

Tsk!

Anak ng!

Napasapo na lang ako sa noo ko. Bobo! Ang bobo niya! Paano kaya nakapasa ang gagong 'to sa high school?! Ano na lang kaya ang mangyayari sa basketball team pag wala na ako at kung sila na ang... Haysst! Ayaw kong isipin! Sana naman may dumating na taong makakatulong sa basketball team? Kasi paano sila magkakaroon ng funds kung... Aish!

"Meryenda, everyone!" biglang nanigas ang mga kaibigan ko ng biglang dumating si Corin at may hawak na tray. Nagsitinginan silang lahat sa akin na para bang nanghihingi na tulong. Sino ba naman kasing hindi hihingi ng tulong lalo na at hindi pa nila limot ang ginawa ni Corin sa kanila noon? Gusto ko tuloy matawa sa mga mukha nila.

"'Wag kayong mahiya ah..." nakangiting sabi ko sa kanila.

Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi ko. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag tumawa! Baka mapatay pa ako ng mga 'to bukas! Ang sarap talagang pagtripan ang mga mokong na 'to. Teka lang... Kailan pa ako naging bully sa mga 'to?

"Ito na ang meryenda nyo! Sandwhich na may palaman na nutella and orange juice!" masayang sigaw ni Corin sabay lapag nung tray sa maliit na mesa na nasa harapan namin. Naka-squat kasi kaming lahat sa sahig at binibilang ang kita namin-halata naman diba?!

Sumali sa amin si Corin at tumingin sa amin. "Eat na kayo..." masayang sabi niya sabay kuha nung mga pagkain na hinanda niya at isa-isa niyang nilagyan ng sandwhich at juice ang platito at ang basong inilagay sa harapan namin. Napatitig ako sa pagkain na nasa harapan namin.

Normal... Walang nakakadiring hayop ang nandoon. Napakunot ang noo ko. Corin can made a stupid sandwich? A normal sandwhich?

"It's normal..." sabi ko sabay kuha ng sandwhich ko at tiningnan ang laman nito. Walang kahit na anong insekto ang nandoon. Napatingin ako kay Corin. She is just smiling.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon