"Lee, asan na ba 'yung amo mo?" tanong ko kay 'Lee' habang hinahaplos ang ulo nya. Close na kami ngayon. Napahinga na lang ako ng malalim. Kung may nakikita sa akin ngayon, sasabihan nila akong baliw, sigurado ako. Sino ba naman kasing matinong tao, ang kakausap sa isang ahas? Ang mas nakakatakot ay baka bigla na lang 'tong sumagot. Huminga na lang ako ng malalim ulit. Hay.. Inaaliw ko lang naman kasi ang sarili ko eh. Mababaliw na ako dito!
10 days....
Sampung araw wala si Sabrina dito sa bahay. Ewan ko kung saan sya pumunta basta na-mi-miss ko na sya. Sino bang hindi?
Aish! Nakakabagot dito sa bahay lalo na at ito lang ang kasama ko... Si Lee. Ki-nancel kasi ni Sabrina 'yung tungkol sa pagiging helper nila Jules dito kaya ako lang talaga ang nandito. Hindi rin ako binibisita ng mga kaibigan ko dahil busy sila sa para sa Final Exam para sa 1st term. At alam naman na 'tin 'pag final, kaakibat na nun ang deadline ng mga projects!
Gumalaw si Lee at gumapang papunta doon sa bakanteng upuan. Good! Humiga ako sa sofa. Naman oh! Asan ba kasi si Sabrina?! Pagkatapos kasi nyang sabihin 'yung tungkol kay Spencer-Oo! Sinabi nya sa akin ang tungkol kay Spencer, kung bakit ganun si Spencer sa kanya. Nagulat nga ako ng sinabi nya sa akin pero binantaan nya naman ako pagkatapos na 'pag sinabi ko sa iba 'yung sinabi nya sa akin, ililibing daw nya ako ng buhay. Kaya itikom ang bibig. Pero isa lang ang masasabi ko doon, wala naman yatang kasalanan si Sabrina eh. Sa edad nyang 'yun, malay nya ba ang tungkol sa 'other man', 'mistress'at 'third party'.
Napahinga na lang ako. Tumagilid ako at napatitig sa edge ng mesa.
Pagkatapos naman nyang sabihin ang tungkol kay Spencer biglang may sinabi syang hindi ko maintindihan....
"Luke! Umuwi na tayo!"sabi nya at tumayo sa pagkakaupo. Lumingon sya sa akin. ''May importante pa akong gagawin at isa 'yung napakahalagang bagay.'' Nakangising sabi nya. Parang may hindi sya gagawing maganda.
"Ano?" tanong ko sa kanya. Baka may gawin syang hindi maganda. At magulat na lang ako bigla na nasa presinto sya.
"Plan B, nang aking OSTD!" nakangising sagot nya at nagmamadaling pumasok sa loob ng cottage namin.
Mas lalong napakunot ang noo ko. OSTD? Ano 'yun? Atsaka STD? Di ba Sexually transmitted Disease 'yun? May kinalaman ba dun ang gagawin nya.?!
Psh!
Nanlaki ang mata ko. No! Impossible! Wala naman siguro si Sabrina nun!
Kaya pagkakadating namin dito sa bahay ay nag-impake sya agad at nagsabing mawawala sya ng ilang araw dahil may importente daw syang lalakarin. Gusto ko sanang sumama pero sinabihan lang nya ako na dito lang ako sa bahay dahil baka dumating si Corin. Kaya eto ako ngayon...
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
