Luke's POV
"Rin, marunong ka bang magluto?" naniniguradong tanong ko sa kanya. Kasi naman bakit binaban sya ni Sab sa kusina? Papunta na kami sa bahay nya. Oo sa bahay nya pero sa bahay namin-yung bahay namin na nasunog, doon sya magluluto. May kukunin lang daw kasi sya sa bahay nya, 'yung mga ingredients ng lulutuin nya.
Napailing na lang ako.
Tsk!
Anong ingredients kaya ang pinagsasabi nya? 'Tapos nasa bahay talaga nya 'yun ha? Tsk! Hindi kapaniwala-wala ano?! Sobrang impossible kasi! Wala naman kasing kalaman-laman 'yung ref nya... Kaya ano 'tong pinagsasabi nya?
Sinabi ko kasi kay Corin na doon na lang kami sa bahay ko, kami mag-stay. Sinuggest ko rin sa kanya na doon na lang ako sa bahay ko 'tapos sya sa bahay nya. KASI MAS OKAY 'YUN! Hindi na kami magkikita, impossible na talaga kaming magkita at higit sa lahat alam kong safe ako dahil wala akong kasamang baliw sa bahay. Kaso hindi sya pumayag! Baka daw kasi may pumasok na magnanakaw sa bahay ko at tyak na mamatay daw ako kasi wala naman daw silang mananakaw sa bahay na 'yun eh!
Diba ang galing lang?
Nagsalita ang MARAMING GAMIT sa bahay nya?
Tumingin lang sya sa akin at nagkibit-balikat 'tapos ngumiti! Napanganga ako! Hindi nya alam kong marunong syang magluto? O hindi talaga sya marunong magluto? Kung anuman doon ang sagot nya, parehong hindi maganda ang planong magluto sya!
"Eh bakit nag-presinta kang magluluto?!" kinakabahang tanong ko sa kanya. Jusko! Sala lang ang nasunog sa bahay namin... 'Tapos ngayon kusina? Aish! Baka sumabog 'yun at—Napailing na lang ako!
"Eh, kasi nga sabi nyo dapat magpasalamat ako sa kanila diba?" parang batang tanong nya. Tumango lang ako. Sinabi ko naman talaga 'yun sa kanya. "Kaya gagawin ko 'to... Sabi kasi ni Miranda, lahat ng bagay dinadaan sa luto kaya eto, magluluto ako sa kanila..." sabi nya sabay cross ng arms. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Masasakal ko na talaga ang babaeng 'to! Bwisit! Atsaka isa pa ha, may napapansin ako sa eng-eng na 'to, ang taray nya ngayon!
Pero grabe! Dinadaan sa luto lahat? Psh! Ano ba 'yang tinuturo ni Miranda? Simpleng thank you okay na para sa mga ugok na 'yun! Psh! Sila pa! Ngiti nga lang siguro ni Corin, okay na okay na sa kanila!
"Ano ba ang lulutuin mo?" tanong ko na lang sa kanya. Napangiti ako ng makita ko 'yung bahay nya. May naisip kasi ako. Pagkababa na pagkababa nya, patatakbuhin ko 'tong kotse ko at iiwan ko sya!
"Fried worm, cockroah at scorpions!" agad natapakan ko ang preno sa sinagot nya! Ano daw?!
"Aray naman! Luke-sama! Ba't hindi ka nagsabi nandito na pala tayo sa bahay ko?!" inis na sabi nya. Sumubsob kasi sya dashboard! Paanong hindi? Hindi sya naka-seatbelt eh! Tanga kasi!
Atsaka isa pa, wala pa kami sa bahay nya!
Pero hindi 'yun ang issue dito?! 'Yung lulutuin nya! Ano daw ulit 'yung lulutuin nya? Prinitong ipis, uod at alakdan ang lulutuin nya? Anong tingin nya sa mga kaibigan ko? Alagang hayop nya?
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
