"Hoy Xenon!" nagising ako sa sigaw ni Jack. Lintek! Ang sakit na nga ng ulo ko may ganito pa sya?! Nakakabadtrip! Ewan ko kasi kung ano ang nangyari basta ang huling naalala ko, kumakain kami ni Corin ng grapes at pagkatapos wala na akong maalala.
Kainis!
Kahit anong gawin kong pag-alala wala talaga eh! Aish!
"O?" tanong ko sa kanya habang hinihilot-hilot ko 'yung ulo ko. Nang okay na, tumingin ako sa kanya. Nakahiga pa rin ako sa kama ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko ng parang nagiging dalawa si Jack sa paningin ko. Kaya kinabahan ako... Signs of dying?
Una hindi ako nakakaalala 'tapos ngayon nagiging dalawa si Jack sa paningin ko.
Bwisit! Kinusot-kusot ko ulit 'yung mata ko. Nang okay na, nakahinga ako ng maluwag at tinitigan ko lang sya.
"May bad news at good news ako sa 'yo..." nakangiting sabi nya. Umupo pa sya sa kama ko. Ang kapal! Feel na feel kasi nya ang pagkakaupo doon eh!
Napabangon ako sa pagkakahiga ko at tumingin sa kanya. "Unahin mo ang bad news.." utos ko sa kanya. Tinitigan lang nya ako. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Umiling-iling lang sya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.
"Tingin ko kailangan kong unahin ang good news..." nakangusong sabi nya. Nakakainis ha! Diba inuuna ang bad news kaysa sa good news?! Bahala na nga sya!
"Sige sabihin mo na!" inis na sabi ko sa kanya. Ang daming arte!
"The good news is naayos na 'yung sira sa kumpanya nyo, 'yung ginawa MO..." nakangiting sabi nya. I just rolled my eyes. Eh ano ngayon?! Magaling naman siila kuya Sky at Spencer eh kaya maaayos nila 'yun. Ang dali lang naman ng problema nila.
"'Yung bad news..." wala sa sariling sabi ko.
Huminga sya ng malalim. Agad na napakunot ang noo ko. Ganun ba talaga ka-bad ang bad news na 'yun kaya may hingang-hingang malalim pa syang nalalaman? Sus! Ka-ek-ekan nya!
"Kailangan mong umuwi ng Pilipinas." walang kaemosyong-emosyong sagot nya. Mas lalong napakunot ang noo ko. Nababaliw na ba sya? Dalawang linggo pa lang ako dito?
Uuwi ako? Inutusan ba sya ni lolo? Ang matandang talagang 'yun! Kung hindi ko sya lolo, matagal ko na 'yung nasakal! Hmp! Humarap ako sa kanya.
"Si lolo ba ang nag-
"Yup!" putol nya sa sasabihin ko. "And it's urgent. Kailangan mong pumunta doon para hindi ikaw ang mapagbintangan na pumatay kay Sylvestre." napanganga ako sa sinabi nya. Ako? Pagbibintangang pumatay kay Sylvestre?! What the hell?! Eh ni hindi ko nga 'yun hinawakan? Atsaka parang 30 seconds lang ang tagal ng pag-uusap namin nung una at huling nagkita kami.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Literatura Feminina"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
