Corin's POV
"HEY, Kim, tama ba ang ginawa ko?" tanong ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko kagabi. Tumigil si Kim sa paglalaro ng video game at tumingin sa akin. Nasa kwarto ko siya-nasa mansion kami ngayon. Oo sa bahay nila Rina-sama dahil umuwi ako. Sa sinabi ko ba naman kagabi kay Luke-sama, ano pa ba ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Lalo na kay Sabrina.
Kinuha ni Kim 'yung wrapper ng piatos na walang laman at tinapon sa mukha ko.
"Kim!" inis na sigaw ko sa kanya. Sabay tapon pabalik sa kanya nung piatos. "Kainis ka naman oh! Paano kong langamin ako?" inis na tanong ko sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko imbes ay tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Alam mo hindi ko alam, kung engot ka ba talaga o wala lang talaga laman ang utak mo?"
Napabuntong hininga na lang ako. Meet Kimberly Smashfield. Kim for short. Ang wala kong kwentang pinsan! Nagtatrabaho din siya sa pamilya ni Rina-sama. She is a CPA actually at personal accountant siya nina Sebastian at Sabrina. 'Yun nga lang, wala siyang trabaho ngayon. Paano ba naman kasi, adik!
Hindi kasi namin alam kong lesbian ba 'tong isang 'to o nag le-lesbianan lang? She likes Rina-sama to the point, naging obsess siya kay Rina-sama. Grabe! Ang dami niyang picture ni Rina-sama na natutulog, kumakain basta mga daily picture ng amo ko na nakadikit sa dingding ng kwarto niya at I find it creepy. Kaya ng malaman 'yun ng pamilya ni Sabrina, pinadala siya malayong lugar para ipaayos ang takbo ng utak niya. Sayang naman daw kasi si Kim kung magiging lesbian lang siya. She is gorgeous! And when I say gorgeous siya, gorgeous talaga siya! As in total package! Maganda na, seksi pa! She have a body and face na paglalawayan ng mga kalalakihan! Ganun siya!
At ngayon ay nagbabalik siya sa mansion! And she is working to Spencer-Among tunay pala now.
"Alam mo, Corin, sasabihin ko sa 'yo ang totoo ha..." sabi niya habang naglalaro ulit ng video game. Tsk! "Aminin nating dalawa, hindi tayo close pero bakit mo sinasabi mo sa akin ang bagay na 'yun?" lumingon siya sa akin at nginitian ako pero mabilis din 'yung nawala at napalitan ng inis na. "Peste ka! Gusto mo lang makahanap ng kakampi!" inis na sabi niya sabay tingin ulit sa screen. Napa-pout na lang ako. Actually, I feel guilty sa sinabi ko. I don't have the right to say it. Pakialamera kasi ako eh! Pero kasi... "Atsaka, Mali naman ang pagkakasabi mo..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumigil si Kim sa paglalaro at tumingin ulit sa akin.
"Huh?" tanong ko sa kanya.
"Alam ni Minerva at Zeke ang tungkol sa kasal-kasalan nila Xenon at nung apo ni Black 'yun nga lang hindi pa gumagawa ng move ang dalawang 'yun, lalung-lalo na ng bestfriend mo..." seryosong saad niya. Napatitig lang ako sa mukha niya. She's right! I lied about that. Alam naman talaga 'yun ng mga magulang ni Sabrina 'yun nga lang hindi pa sila gumagawa ng move kaya nga I said that things to Luke-sama eh. Hindi niya kilala ang mga magulang ni Sabrina. Lalo na ang nanay niya. That woman!
"Nga pala, 'yung pinapagawa ng bestfriend mo nagawa mo na ba?" tanong ni Kim sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Yup!" sagot ko sa kanya.
"According to the plan? Bakit natagalan?" curios na tanong niya.
Bakit? Something happen. At 'yung something na 'yun, ewan! Actually, alam ko ang sagot pero hindi ko kayang sabihin 'yun. Narinig kong tumawa si Kim.
"Kaya gustung-gusto ko ang babaeng 'yun eh..." tumatawang sabi niya. "Sige, aalis na ako, may pupuntahan pa ako eh..." sabi niya sabay tayo.
Lately, napapansin ko kay Kim ang busy siya! Wala naman siyang trabaho kaya nakakapagtaka, bakit busy siya. Hindi kasi siya online sa group chat namin eh.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
