"Sab, 'wag mo namang idamay ang mga kaibigan ko!" rinig kong sigaw ni Luke sa labas ng bahay ko. Oo bahay ko. Akin na 'to! Hindi naman sila pwedeng pumalag eh! Subukan lang nila!
Pumayag lang naman kasi akong lumipat dito ay dahil wala akong bahay dito sa Pilipinas at nakikitira lang ako sa lolo ko kaso ayaw ko munang makita sya. Galit pa rin ako sa kanya. Atsaka sabi naman ni tito Albert, ako ang magiging amo dito kaya in short parang sinabi na rin nya na akin na 'tong mansyon na 'to.
"Cap, ang lawak nitong bakuran nyo, makakaya ba na 'ting linisin 'to lahat?" narinig kong tanong ng kaibigan nya. Napangiti ako.
Buti nga sa kanila.
Maghabas sila buong hapon.
"Sab!" tawag ulit ni Luke sa akin.
"Wala akong narinig!" sagot na sigaw ko. Tinuloy ko na lang 'yung pagbabasa ko nung UPCAT na binili ko kahapon kasama nung mga librong binigay ko kay Luke. Ipapasagot ko 'to sa kanya mamaya! Narinig kong nagreklamo si Luke, kaya napangiti ako. Bahala sila sa buhay nila lalung-lalo na ng Luke na 'yun!. Pinapainit kaya nya ang ulo ko! Kanina, tinawagan ko sya dahil nakita kung parang gubat na 'yung bakuran ng bahay ko at kailangan ng habasin nun. Ang pangit kayang tingnan, maganda at gwapo pa ang nakatira sa bahay na 'to. Pero sigawan ba naman ako! Kaya magdusa sya kasama ng mga kaibigan nya.
Napatingin ako doon sa mesa na puno ng chocolate, bulaklak at stuffed stoy na may dalang unan na may sulat na 'sorry'. Dala ni Luke 'yan ng umuwi sya at bawat isa sa kaibigan nya ay humingi sa akin ng sorry. Nainis tuloy ako! Kasi tanga lang? Hindi naman sila 'yung may kasalanan sa akin, si Luke lang naman. Pero kahit pumuti man ang uwak hindi naman yata hihingi ng sorry ang mokong na 'yun eh.
Kaya sya na lang ang pinahabas ko kaysa mag-hire pa ako ng iba. Nag-presenta naman 'yung mga kaibigan nya kaya, edi go! Maghabas sila doon! Ika nga nila, The more the merrier! Kaya mag-sama sama sila pero...wala naman talaga kasalanan ang kaibigan nya.
Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bulsa ko. Magpapa-deliver na lang ako ng pizza para sa kanila. Tama! At kay Luke naman.... Tumayo ako at lumapit doon sa mesa. Tinitigan ko 'yug mga chocolate na nandoon. Kapag hindi ako nasarapan sa mapupulot kong chocolate, hindi ko sya papakainin at ipapatapos ko 'yung nasimulan nila pero 'pag nasarapan ako edi papakainin ko sya at ipapatitgil 'yung pinapagawa ko sa kanya! Kaya .....
Itinaas ko 'yung kamay ko at tinuro 'yun sa mga chocolate
.
.
.
.
.
"Mini-mini moo!" kinuha ko 'yung choclate na tinuturo ng hinlalaki ko at kinain.
"Cap!, ganda talaga ng fiancee mo noh!" sigaw sa akin ni Kyle. Sinenyasan ko syang tumahimik at baka marinig pa sya ni Sabrina, lumaki pa ulo nun! Malapit lang naman sya kaya bakit kailangan pa nyang sumigaw.
Tinitigan ko ng masama 'yung terrace ng mansion. Nandoon kasi ang kwarto ni Sabrina! Hindi man lang nakinig sa paliwanag ko! Tuloy parang gusto kong bawiin 'yung binigay ko sa kanya. Hindi man lang kasi nagpakita ng emosyon ng binigay ko sa kanya 'yun. Hindi ko tuloy alam kung nasiyahan ba sya o hindi.
Ito namang mga kabarkada ko nakakita lang ng maganda, naging tanga na! Hindi ba nila nakikita ang masamang ugali ni Sabrina, kaya hanggang ngayon puro magagandang comments pa rin ang naririnig ko sa kanila. Tulad ngayon....
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...