Sabrina's POV
FIVE DAYS. Five days na ang nakalipas mula sa pesteng pangyayaring 'yun. Nasa bahay ako namin- bahay a.ka. mansion namin. Ang lugar kung saan ako pinanganak, lumaki at naging suwail na bata. Hindi kami nagsasama ni Luke sa isang bahay... Like seriously?! Ang awkward kaya nun kung gagawin namin 'yun! Okay lang naman siguro sa kanya kasi nung sinabi ko sa kanya na uuwi ako sa bahay namin, hindi naman siya umimik!
Psh!
Pumunta ako sa kusina. Kakain kami ng agahan ngayon. Nandito rin kasi ang mga kapatid ko pati na rin ang asawa nila. 'Yung mga anak naman nila, pumasok sa eskwelahan. Naiwan lang 'yung anak ni kuya Sky na si Luther-malamang! Two years old pa lang naman 'yun!
Kung nagtatanong kayo kung bakit hindi pumalag ang mama ko na hindi kami nagsasama ni Luke kahit na 'bagong kasal' kami. Well, wala kasi siya ngayon sa bahay. Pagkatapos kasi nung event na 'yun, nilibre ni mama 'yung mga bisita na mag-Macao daw sila at maglaro ng poker. Oh 'di kaya mag 'casino hoping' daw sila. Napailing na lang ako.
Umupo agad ako sa mesa. Kumunot naman ang noo ko ng makita kong sobra ng dalawang pinggan sa mesa.
"Buti naman at gising ka na mahal na prinsesa..." bati ng ate Anastacia ko sa akin. Tumingin lang ako sa kanya. Nakita ko si Bash na pilit na nagpapansin sa asawa niya. Tsk! Kaya pala pinapansin ako ng ate ko. Actually, close naman ako sa mga sisters-in-law ko 'yun nga lang wala silang time na pansinin ako. Busy kaya sila sa mga asawa nila at anak. Nagkakatime lang naman sila sa akin kapag may favour silang gustong ipagawa at 'yun ay pabantayin sa akin ang mga anak nila.
Hindi ko siya pinansin. Masasayang lang ang oras ko kapag pinansin ko si Ate.
"Bakit may sobrang dalawang plato?" tanong ko. Wala akong specific na taong tinanong. Sasagutin rin naman nila ako eh.
"Uuwi na sila mama at papa, baby..." sagot ng kuya ko.
"At feeling ko, bad mood si papa ngayon kasi malaki daw ang talo ni mama nung nag Macao sila." Rinig kong sabi naman ng asawa ni kuya Sky.
Nanlaki agad ang mata ko. Uuwi na siya? Anong gagawin ko? Magpanggap na busog at pumasok ulit sa kwarto ko pero gutom na gutom na din talaga ako! Bahala na nga! Magpapahatid na lang ako ng pagkain sa kwarto. Tumayo ako para magpaalam nang biglang pumasok sa kusina ang mama ko sabay ang papa kong nakasimangot kaya napaupo ulit ako.
"Honey, 'wag ka ng magalit." Sabi ng mama ko sabay upo sa isang upuan. Nag-iwas agad ako ng tingin. Buti lang talaga pareho kaming nasa right side ni mama kaya hindi niya ako napansin. Nasa gitna kasi namin ang asawa ni kuya Sky at si baby Luther na may sariling mundo habang minumurder ang walang kamuwang-muwang na biscuit."Oo nga malaki ang talo natin pero napapayag ko naman si Kristoffer na mag-invest sa gagawin kung zoo kaya win-win rin tayo!" nakangiting sabi ng mama ko.
"Ewan ko lang, Minerva! Ewan ko lang talaga!" malamig na sabi ni papa. Napalunok na lang ako.
"Tuloy ba talaga ang zoo niyo, ma?" tanong ni kuya Sky. Lumingon ang mama ko sa kanya.
"Oo, 'nak! Dumadami na 'yung alaga natin dito sa bahay kaya imbes na ibigay ko na regalo sa mga taong mahilig ng tigre, ahas, ibon, gagawa na lang ako ng zoo. Magkakapera pa ako at makakaalis pa ako sa pesteng bahay na 'to!" at tumawa ang mama ko. Ngumiwi lang ako.
May plano kasi si mama na gawing zoo ang bahay namin-No! Mali pala! Gagawin niyang museum ang bahay namin. Lahat kasi ng nakuha niya nung treasure hunter siya, 'yun ang i-di-display niya. May binili kasing property si mama sa Makati-Sa Forbes to be exact. Doon na daw sila titira ni papa. Masyado daw kasi malaki ang apat napalapag na bahay namin sa kanilang dalawa ni papa. At dahil rumarami na ang alaga niya at ni Corin, gagawa siya ng zoo. Gagamitin niya 'yung 10 hectares na nasa likuran ng butler at maid's quarter at ang mangyayari sa quarter ay gagawin niyang café. Doon niya papatrabahuin ang mga maid at butler naminna ayaw umalis sa bahay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/30835980-288-k588216.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Literatura Kobieca"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...