“Birthday?” tanong ni Sabrina.
Agad na sinulat ko sa bond paper ang 'August 9' ‘tapos ay tinago ko 'yun sa likuran ko. Tumingin ako kay Sabrina at tinaas ang papel ko ng makita ko syang malapit na syang matapos sa pagsulat nung sagot nya.
'September 5'
Yan ang nakasulat sa bond paper nya.
“Correct!” sabay naming sigaw. Ngumiti sya sa akin at sumigaw ng ‘favorite color’. Sinulat ko agad ‘yung favourite color nya na which is ‘green’ at sya rin, sinulat nya din ang favourite color ko.
Pinakita namin sa isa’t-isa ang mga sagot namin at ngumiti sa isa’t isa ng tama na naman ulit 'yun. “Correct!” sigaw ko ng makita ko ang sagot nyang ‘gray’.
“Hobby?” tanong ko sa kanya at agad na sinulat 'yung sagot ko.. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nagsusulat pa rin nung sagot nya....
Napangiti ako.
Oo alam ko! Mukha kaming mga tanga sa ginagawa namin ngayon... Pero anong magagawa ko trip ‘to ni Sabrina? Hindi nya kasi talaga natanggap na natalo kami doon sa laro kahapon, 'yung ‘Do you really know each other?’.... ‘Yung laro sa mall.
Tingin kasi nya na ang isang walang kwentang laro tulad nun ay dapat walang karapatang tawaging winner! At sa maniwala kayo't sa hindi, sang-ayon ako sa kanya!
Kasi una sa lahat may mga emcee na hindi marunong magpaka-emcee! Akala mo naman na sobrang ganda ng laro nila. Ang baduy naman. 'Yung mga instructions na binibigay nila, hindi naman klaro. 'Yung totoo?! Laro 'yun or for compliance purposes lang... Kaya kung sino man ang nakaisip nun, pakamatay na SYA.
Kasalanan ko rin naman eh! Bakit ba kasi ako nagpauto? Sa susunod mag-iingat na talaga ako! Buti na lang talaga hindi ako ang pinagbuntungan ng galit ni Sabrina kundi ewan ko na lang kung buhay pa ako ngayon o hindi. 'Yung walang muwang na poste sa park ng vilage namin ang pinagbuntungan nya ng galit.... Kaya ngayon wala nang poste doon.
Akala ko nga naka-move on na sya dahil tingin ko nailabas na nya ang galit nya pero hindi pa pala....
Ginising ako kanina ni Sabrina ng sobrang aga para ipasagot 'yung papel na dala-dala nya kanina na may lamang:
Name:
Age:
Birthday:
Name of your mother:
Name of your father:
Favorite
Color
Food:
Place:
Music:
Hobby:
Pet:
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
