Chapter Thirty Six

1.8K 48 12
                                    

Luke's POV


Napasinghap ako ng bigla akong tinulak ni Spencer sa pader kaya napasubsob ako sa pader. Bwisit! Inis na hinarap ko sya.


"Ano-


"Take your shirt off!" Napamaang ako sa inutos nya. Ano daw? Hubarin ko ang damit ko?


"Nababaliw ka na-


Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni Spencer. Napatulala ako. Lintek! Ang sakit! Napahawak ako sa kanang pisngi ko, ang pisngi na sinampal ni Spencer.Napangiwi ako ng haplusin ko 'yun. Sakit! "I said, take your shirt off!" madiing utos nya sabay taas ng isang kilay. Napalunok ako. Sobrang napakaseryoso kasi ng ekspresyon nya at sobrang nakakatakot. Parang anytime, papatay sya! Napalunok ulit ako. Oo na! Huhubarin ko na ang damit ko!


Kahit gulung-gulo ang isipan ko, hinubad ko na lang 'yung t-shirt ko. Kasi naman eh, nakakatakot kaya si Spencer. Atsaka, nawe-weiduhan ako sa kanya. Bakit nya ba kasi pinahuhubad sa akin ang damit ko? Ano ba ang trip nya? Hindi kaya pinagnanasaan ako ni Spence-Di rin! Imposible! Sobrang imposible!


"Good!" rinig kong sabi nya ng matanggal ko 'yung shirt ko.


Napalunok ako.


Tinitigan ni Spencer ang katawan ko. Awkward! Sobrang awkward!! Lalo na at 'yung pinsan ng fiancee mo ang tumititig sa katawan mo. Pero kahit ganun, hindi ko nararamdaman na may pagnanasa ang mga titig na binibigay sa akin ni Spencer. Tuloy, tingin ko, para syang physical examiner na-


"Tumalikod ka..." utos nya. Eh? Napatingin ako sa kanya. Tinaasan lang nya ako ng isang kilay 'tapos tinaas nya ang isang kamay nya at sumenyas na umikot. Nagmamadaling tumalikod ako sa kanya.


Narinig kong huminga ng malalim si Spencer na para ba syang nabunutan ng tinik... Ang weird nya talaga!


"Harap!" utos nya ulit. Kaya humarap ako sa kanya. Tumingin lang ako sa taas pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya. Ayokong salubungin ang tingin nya. Awkward kaya!


Nanlaki ang mata ko at nanigas ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Agad na napatingin ako sa taong nakahawak sa akin.. Si Spencer malamang! Kami lang kaya ang nandoon! Napalunok ako ng pinisil nya ang braso ko. Nanginig ako!


"May nararamdaman ka bang pananakit ng katawan?" concern na tanong nya. Eh? Tama ba ako sa narinig ko? Concern si Spencer sa akin? Napakunot naman ang noo ko. Atsaka ang weird nya talaga eh! Magiging mataray 'tapos ngayon, concern? Atsaka, bakit nya tinanong 'yun sa akin? Doctor ba sya? O ginagawa lang nya 'to dahil gusto nyang makatsansing sa akin?!


'Yung totoo, may pagnanasa ba talaga sa akin si Spence-


Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla akong binatukan ni Spencer. Inis na napatitig ako sa mukha nya. Aba't ang babaeng 'yun, naka-crossed ang arms at naka-smirk habang nandidiring nakatitig sa mukha ko. Wow!


Pero.... Teka lang ha! Napapansin ko ha, kanina pa nya ako sinasaktan, PHYSICALLY!


Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon