Chapter Sixty-seven

1.2K 36 13
                                    

Sab's POV

NAPAHAWAK ako sa railing sa may harapan at napatingin sa may dagat sa ibaba. Nasa 15th floor kami kaya kung tatalon ako dito, sigurado akong malulunod ako at mamamatay. Tama! Hahahaha! Mamamatay ako! Hindi kasi ako marunong lumangoy eh! Pina-enrol ako ni mama last year pero hindi ako pumasok! Kapagod kaya 'yun pero ngayon nagpapasalamat ako sa pagiging tamad ko dahil...SHIT!

Napalayo ako sa may railing at napailing!

"What the hell inner Sabrina?!" inis na sigaw ko sa inner sarili ko. Asar! Ano, magpapakamatay ako?! Hell no! Madadagdagan pa ang kasalanan ko, ganun?! Umiling na lang ako!

Pumikit muna ako bago huminga ng malalim. Relax. Chill. Maliit na problema lang 'to, malalagpasan ko rin 'to! Ngumiti ako at dinilat ang mga mata ko-"Anak ng!" sigaw ko ng makita ko si Luke na nakatingin sa akin na nakataas ang isang kilay. Kumunot naman ang noo ko. "What?!" inis na tanong ko sa kanya sabay talikod sa kanya. Fuck! It's so awkward!

'Yung kaninang ang taas ng confidence mo kasi 'yung plano kesyo nag work out 'tapos ugh! Umiyak-iyak pa talaga ako kanina! Ano naman dawn a katangahan 'yun?! 'Tapos ngayon... Ah shit! Oo! Pumalpak nga ang plano! Epic Fail kung baga pero may isang bagay na kahit na anong gawin ko, kahit na kalimutan ko, kahit na magpanggap ako na may amnesiahinding-hindi na talaga magbabago!

I'm married!

And I'm fucking MRS. SABRINA XENON BUENAVISTA-BLACK

SHIT LANG TALAGA!

Lumapit siya sa akin kaya bigla akong nataranta-siyempre hindi ko pinahalata! Ano ako tanga?! Napatingin ako sa kanya ng sobrang bilis lang talaga! Promise! Tumingin ulit ako sa kanya pero this time matagal na. Wala lang! Gusto ko lang siyang titigan! Napatango ako bigla. Now I know, sarap pa lang titigan si Luke ngayon ko lang na-realize. Kaya bago mahumaling pa ako, tumingin na lang ako sa harapan ko.

Walang nagsalita sa amin. Feeling ko nga meron kaming contest, pabahuan ng hininga! Ang tahimik niya kasi eh! Ako naman, ayokong magsalita dahil wala akong maisip ni i-topic! Tumahimik na lang ako at dinama ang preskong hangin!

"Sab..." mahinang tawag ni Luke sa pangalan ko pagkatapos ang 30 minutes na katahimikan.

Hindi agad ako nagsalita, malamang baka sabihan pa akong excited-Masyadong excited!

"Hmmm...." Sabi ko after ng 10 seconds niyang tawagin ang pangalan ko.

"Anong mangyayari ngayon?" tanong niya at tumingin pa talaga sa akin.

Fuck!

Panira!

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

"Magiging biyudo ka!" sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid. Bwisit! Ako na lang 'yung palaging maghahanap ng solusyun ganun?! Tumitig naman siya sa akin na para bang hindi natuwa sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at nagseryoso "Hey, I'm serious. Mabibiyudo ka talaga dahil papatayin ako ng mama ko kaya..." napakamot ako sa ulo ko ng hindi ko alam ang sunod na sasabihin ko. "Kaya..." Naikuyom ko ang kamay ko. Sabihin ko kaya 'yun? Tama! Mamamatay naman ako eh! Kaya wala namang mawawala!

Humarap ako sa kanya. Sabrina! Itaas mo ang bandera ng pamilya mo! Napalunok ako.

"I want you to know that I'm i-fuck!" inis na sigaw ko bigla! Hindi ko kayang sabihin! HINDI KO KAYA!!!!!!!!!!!!!!! Kaya ang ginawa ko ay hinawakan siya sa magkabilang balikat 'tapos hinawakan ang mukha niya. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. Fuck!

"Sab..." naguguluhang tawag niya sa pangalan ko. Tumitig lang ako sa mata niya at ngumiti. Mabilis na lumipat ang kamay kong nasa mukha niya sa may batok niya at hinila siya para mapalapit sa akin. Agad na tumingkayad ako at hinalikan siya sa lips ng ilang Segundo 'tapos tinulak siya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon