Luke's POV
Dumiretso ako sa paking lot at agad na pinuntahan ang kotse ko. Napatitig ako sa kotseng katabi nung sa akin. Ang gara! BMW! Kanino kaya 'to? Lumapit na lang ako sa kotse ko at kinuha 'yung susi ko. Napailing na lang ako ng makita 'yung keychain ko-kung keychain ba talaga ang tawag dun. Isa lang ang susi ko pero grabe, ang daming design dun. Napatigil ako sa pagbukas ng kotse ko ng biglang lumabas 'yung may-ari nung kotse na malapit sa akin.
Steven.
Tumingin sya sa akin at nginitian ako. AKWARD!
"Uuwi ka na?" tanong nya.
Tumango lang ako sa kanya.
"Ikaw, may klase ka pa?" tanong ko sa kanya. Malamang naman kasing hinihintay nya ako dito diba?
"Wala na... May kukunin lang ako sa Dean's office." nakangiting sabi nya. Bakit ganun... Parang naiinis yata ako sa ngiti nya. Parang nakakalaki eh! Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbukas ng kotse ko. Kainis din 'to eh! Bakit ang tagal nito bumukas!
"Masaya ka?" tanong nya bigla sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Hindi pala sya umaalis.
"Huh?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Masaya ka bang kasama mo ang isang Sabrina Xenon?" nakangiting tanong nya. Naikuyom ko ang kamao ko. Bakit nadamay si Sab dito... Wala namang ginawa 'yung-Meron pala! Maraming ginawang hindi maganda si Sab sa kanya. Pero kahit na! Hindi nya dapat idamay 'yung tao dito.
"Oo..." diretsong sagot ko sa kanila. Masaya naman talaga kasama si Sabrina. I-minus lang natin 'yung palautos nya at pagkamaldita! Masaya syang kasama. "Masayang kasama si Sabrina..." madiin kong dugtong at tinuloy ko ang pagbukas nung pintuan ng kotse ko. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to! Baka sa ano pa mapunta 'tong usapan namin! Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas, nabuksan ko na rin ang pesteng pintuan na 'yun.
"Kailan?" tanong nya ng mabuksan ko ang pintuan ng kotse ko.
"Huh?" tanong ko sa kanya. Hindi ko ma-gets ang tanong nya eh!
"Hanggang kailan ka magiging masaya?" ulit nya. Nabitawan ko 'yung pinto ng kotse ko at hinarap sya. Tinitigan ko ang mukha nya. Bakit ganun... Hindi ko mawari kung ano ang iniisip ng lalaking 'to!
"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko sa kanya.
"Wala naman... Gusto ko lang malaman kung masaya ka o hindi at ngayon alam ko ng masaya ka..." bigla syang yumuko at umiling 'tapos nag-angat ng tingin at nginitian ako. "Nakakaawa ka naman..." dugtong nya.
Hell!
Ano ang nangyayari sa lalaking 'to?
Na-possessed ba 'to?!
Kung anu-ano ang pinagsasabi?
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Romanzi rosa / ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
