Luke's POV
'May aasikasuhin ako NAPAKAIMPORTANTENG BAGAY kaya mawawala ako ng ilang araw. 'Wag kang ADIK at tarantado!'
Napakunot ang noo ko dahil sa first sentence sa sulat ni Sabrina. Anong nangyari sa kanya? Napailing na lang ako. Minsan ang weird talaga nya... Tsk! Tsk! Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko.
'Things to remember kung gusto mong mabuhay:'
Eh?
Nanlaki ang mata ko. Parang death threat yata 'to eh. Napailing na lang ako.
'1.) 'Wag na 'wag kang magpapaluto ng pagkain kay Corin or magpatimpla ng kung anong drinks!
2.) Laging isirado ang pintuan 'pag tulog na kayo.
3.) 'Wag papupuntanhin si Corin sa kusina. She will burn the entire house at ikukulong ka nya sa loob ng bahay.
4.) Kapag may mga ewang taong kasama si Corin 'wag na 'wag mo syang papasukin sa bahay. Snatcher, killer, gangster o 'di kaya myembro ng sindikato ang mga 'yun. PRAMIS MANIWALA KA!
5.) 'Wag na 'wag kang GAGAWA NG MASAMA kay Corin, papatayin ka nya.
Babalik ako as soon as matapos ang importanteng bagay na 'yun.
Sabrina'
Napalunok ako pagkatapos na pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Sabrina. Takte! Kinuha ko 'yung bagong bili kong cellphone at tinawagan ko 'yung mga karpintero na nag-aayos ng bahay namin. Kailangan na talaga nila 'yung matapos. Wala akong pakialam kong kailangan kong triplehin ang bayad ko.
First day...
First day palang na kasama ko si Corin, mababaliw na yata ako!! Nanlulumong binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko ng may nagsalita na 'cannot be reach' doon. Bwisit!
Jusko! Sabrina! Umuwi ka na! Ayoko na kasama si Corin.
"Luke!"
Napatingin ako sa likuran ko ng may sumigaw sa pangalan ko. Si Louie. Napakunot ang noo ko ng bigla syang tumakbo palapit sa akin, kung makatakbo kasi sya para bang may importante syang sasabihin sa akin. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa dala nya. Sigurado ako, na kumot, unan, bigas at lata ng ...sardinas?...Ang laman ng dala nyang plastick bag. Huh? Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang binigay sa akin ni Louie 'yung dala nya.
"Ahhh Louie para saan 'to?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Para sa 'yo, diba nasunugan kayo?" inosenteng tanong nya. Napangiti na lang ako sa kanya ng alanganin sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa sa kanya o maiinis, pero mas pinili ko na lang matuwa. Ewan ko ba! Para akong highblood ngayon! Siguro dahil hindi maganda ang gising ko. Sino ba kasing hindi?! Lalo na at makikita mo si Corin sa ganung itsura... Jusko talaga!!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
