"Ang aga mo yatang maglasing Jules?" tanong ko sa kanya. Siniko ako ni Stanly. Tumingin ako sa kanya. Bakit nya ako siniko? Gusto nyang ilibing ko sya ng buhay?
Nakakainis ha! Sa loob ng 30 minutes na magkasama kami sa mesang 'to ngayon lang ako nagsalita 'tapos ngayon, siniko-siko nya pa ako! Asan na ba kasi si Luke? Kanina ko pa sya hinahanap!
Stanly mouthed. 'Wag maingay, broken hearted 'yan' Napataas ang isang kilay ko. Nagbibiro ba sya? Eh kanina ang sweet lang nila ng girlfriend nya. "Jules where is your girlfriend?" tanong ko sa kanya. Ang babaeng 'yun. Ano nga ulit pangalan nun, Daphne. Sya lang naman ang sumira ng moment ko sa dagat kanina! 'Tapos ang lakas na makisabay sa amin. Bwisit sya!
Nakita kong tinampal ni Stanly ang noo nya. Problema nya?
Tumingin sa akin si Jules at ngumiti. "Girlfriend?" sarcastic na tanong nya. "Baka EX-GIRLFRIEND!" madiin na sabi nya 'tapos uminom ng beer!
Psh! Beer? Wala ba silang margarita dito?
"Jules! My scotch sila dito, gusto mong i-try. Mas malakas ang tama nun!" suggest ko sa kanya. Tumingin lang sya sa akin.
"Talaga?" tanong nya.
"Yeah! Lalo na kung sampung bote ang mainom mo. Gusto mo inuman tayo?" alok ko sa kanya. Damn! Ilang months na ba akong hindi umiinom ng mga ganun? 10 months ago? Ah! I miss the taste of scotch, whiskey and martini! Parang naglaway ako sa iniisip ko ha!
"Sabrina!" saway sa akin ni Stanly.
"What?" tanong ko sa kanya. Umiling lang sya sa akin. Napatingin ako kay Jules. Para syang tanga. Naalala ko tuloy si Corin sa kanya. Bigla akong napangiti.
"Jules, may irereto ako sa 'yo..." nakangiting sabi ko sa kanya. Agad naman tumingin sya sa akin.
"Kapatid mo?" tanong nilang dalawa. Yup! Nilang dalawa! Kasama si Stanly! Umupo pa nga sya sa tabi ni Jules!
Napatawa ako. "Silly! Lalaki ang mga kapatid ko! It's my maid!" nakangting sabi ko sa kanila.
Ngumiwi naman sila. "Porke't nag-apply kaming maid sa inyo. Maid ang irereto mo sa amin."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Stanly. I smirked at him. "Hindi mo pa nga nakikita ang itsura ng maid ko eh!" nakangiting sabi ko sa kanya. Sigurado ako, 'pag nakita nila si Corin, mapapanganga sila!
Kinuha ko 'yung tablet ko at pinindot 'yung gallery. Hinanap ko 'yung picture ni Corin doon. Finull screen ko 'yun at pinakita sa kanila.
"That is my maid. Her name is Corin. Corin Smashfield." sabi ko sa kanila. Tinitigan nila 'yun at nakita ko kung paano nanglaki ang mata nila. Kaya napangiiti ako. Tama nga ako!
"Seryoso? Maid mo 'to?" sabay na tanong nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
