Luke's POV
NAGISING ako sa tunog ng alarm clock na nasa tabi ko. Mabilis na ini-off ko ang alarm clock na 'yun at napasapo sa noo ko. Damn! Ang sakit ng katawan ko! Para akong dinaganan ng isang malaking bato dahil sa sobrang sakit!
Napakamot ako sa buhok ko.
Panaginip lang ba talaga ang nangyari kahapon? Pumunta daw si Sab sa opisina ko at...
"Hmm..." rinig kong daing ng kung sino. Nanlaki ang mata ko. Hey... Hindi panaginip ang nangyari kahapon?! Dahang-dahang tumingin ako sa katabi ko. Napakunot ang noo ko. Legs? Naging legs na si Sab?! 'Tapos nagsasalita pa siya? Damn! Baka nanaginip pa rin ako.
Hinawakan ko ang binti na nasa tabi ko. Wala sa sariling hinaplos-haplos ko 'yun... Damn! Ang puti, ang kinis... Walang bakas ng kahit ano! Kahit kagat ng lamok. Now, I understand kung bakit may mga artista na may insurance 'yung legs nila. Kasi naman ang sayang nun kung may mangyari 'di maganda sa legs nila tulad nito.
So... Napatingin ulit ako sa hawak ko. It's Sabrina's leg. Patingin nga sa kuko niya baka may patay na kuko siya... Wala sa sariling tinaas ko ang paa niya kaya biglang dumaosdos pababa 'yung laylayan ng suot niyang nighties pababa sa ..... Nanlaki ang mata ko ng makita ko at nalaglag ang panga ko sa nakita ko... Black lacy panty... Damn! Hindi ko kayang iiwas ang paningin ko.
Goodness!
Biglang uminit ang pakiramdam ko and this is not good!
Teka... Anong sabi ko?
Uminit?
Sinampal ko ang sarili ko.
"Aray!" daing ko. So, hindi ako nanaginip? Gising ako?!
Patay!
Hindi maganda 'to!
I'm doomed!
"Hmmm..." rinig kong ungol sa baba ko.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin at nagmamdaling iniangat ko ang kalahati ng katawan ko pero hindi ko ito makagalaw kasi may nakadagan sa may tiyan ko..
Nanlaki ang mata ko at may naisip na hindi magagandang bagay!
Bakit may nakadagan sa tiyan ko?! Napa-freeze ako.
Teka lang... Nasa ulunan ko ang legs ni Sab kung ganun... 'yung ulo niya nasa...Goodness! Napatingin ako sa tiyan ko. Natakpan ng comforter ang tiyan ko... May mga hindi magagandang bagay ang tumatakbo sa utak ko n gayon... Luke, maghunusdili ka!
Pero paano ako kakalma?!
Kasi nga 'yung ulo ni Sab nasa...
Don't tell me... No! No! Noooo! Hindi ganun si Sabrina!
Pero diba, nanonood daw siya ng porn? Kaya.... baka.... No! Hindi nga ganun si Sabrina! Bwisit!!!!
"Luke, ke-aga-aga kung anu-ano ang iniisip mo!" inis na sigaw ko sa sarili ko.
Pinilit ko ang sarili kong makabangon kasi kapag hindi pa ako bumangon rito may magawa pa akong hindi maganda! Tinanggal ko 'yung comforter at nakita ko ang ulo ni Sab na nasa tiyan ko at mahimbing na natutulog. Bale naka-fetus posisyon siya kaya ganun na lang ang pagka-relieved ko pero hindi pa rin ito pwede. May iba nga akong naramdaman eh! Inalis ko ang ulo niya sa may tiyan ko pero ayaw niyang umalis...
"Sab, please lang kung ayaw mong may lumabas na bata diyan sa tiyan mo pagkatapos ng siyam na buwan umalis ka na please...." mahinang sabi ko ng binalik 'yung ulo niya dun sa tiyan ko ng mailipat ko 'yun sa kama.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
