Chapter Twenty Seven

3K 70 10
                                        




"Sabrina!" kinakabahang tawag ko sa kanya. Kinabahan ako ng makita kong nanginginig sya sa takot. "Napano ka?" tarantang tanong ko sa kanya.



Ganun na lang ang pagkagulat ko na para bang matutumba si Sabrina kaya agad na lumapit ako sa kanya at hinawakan sya.




Pagkapasok na pagkapasok ko kasi sa cottage namin galing sa pahahanap ng yelo na para yatang tag-lagas dito, kahit saan kasi ako pumunta, wala daw silang suplay! Tsk! Sabihin na lang kaya nilang hindi sila namimigay. 



Napatingin ako kay Sabrina ulit. Nanginginig sya... sa takot... Yata. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang nangyayari sa kanya!




Humarap sa akin si Sabrina. Takot na takot ang itsura nya. "Am I dreaming?" tanong nya. Huh? Kahit naguguluhan ako, umiling lang ako sa kanya. "Kung ganun, totoo 'to?!" tumingin sya sa cellphone nya. Kahit na tawagin akong tsismoso, tiningnan ko ang cellphone nya. Napakunot ang noo ko ng mabasa ko sa screen nya ay...



From: Spencer


'I want to talk to you. ASAP! Function hall!'



Kung tama ako, Spencer is her cousin. Kaya-I mean bakit takot na takot sya?



"Oh my Gosh! Ano ang ginagawa nya dito?" bigla syang tumayo ng maayos kaya binitwan ko sya. "Ano ba ang araw ngayon? A-kinse?" tanong nya sa akin. Tumango lang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ang petsa ngayon...



Napatampal si Sabrina sa noo nya. "Monthly Property Inventory..." sambit nya. "Kaya naman pala... Pero paano nya nalaman na nadito ako? CCTV camera.." napatitig lang ako sa kanya habang kinakausap ni Sabrina ang sarili nya. Gustong kung tumawa dahil sa itsura nya pero parang hindi yata maganda 'yun... Baka mapatay pa nya ako. Ang seryoso nya.



Bigla syang lumapit sa malaking salamin sa cottage namin at inayos nya ang buhok nya. Naglagay sya ng pulbos at naglagay rin sya ng lipstick. "Kailangan ko syang puntahan..." rinig kong sabi nya.



"Sab, gusto mong samahan kita?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.



Baka kasi kailangan nya ng tulong ko...



"No!" agad na sagot nya. Takut na takot 'yung itsura nya. Tumingin sya sa akin. "No matter what happen, dito ka lang!" madiin na sabi nya. "Hindi mo kilala si Spencer. Hindi ka rin nya kilala kaya dito ka lang talaga!" sabi nya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon