KUMUNOT ang noo ko ng may makita ako sa labas ng bahay ng kuya ko. Kotse. Kotseng sobrang pamilyar sa akin. Hindi ko lang maalala kong saan at kailan ko nakita ang sasakyan 'yun. Inaalala ko kong saan ko nakita ang sasakyang 'yun nang bumaba ang driver nun. Nanlaki ang mata ko.
Damn!
Ngayon naaalala ko na kung saan ko nakita ang sasakyan na 'yun. Sasakyan pala 'yun ni Luke! Damn!
Mabilis na tumalikod ako na para bang walang nakita at mabilis na bumalik sa dinaanan ko.
"Sab!" sigaw na tawag niya sa akin. Nagbingi-bingihan ako at naglakad ng mabilis. Ano ba ang ginagawa niya dito?
"Sabrina!" sigaw niya at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na malapit na siya sa akin kasi 'yung boses niya.... kaya tumakbo na lang ako pero hindi pa ako nakakatakbo nang may humawak sa braso ko at ilang saglit lang ay kaharap ko na siya...
Napalunok na lang ako. Nakahawak siya magkabilang braso ko.
"Bakit ka ba tumatakbo?" hinihingal na tanong niya.
"Eh bakit ka humahabol?" tanong ko rin sa kanya.
"Eh kasi nga tumakbo ka!" inis na sagot niya. Napatitig siya sa akin at maya-maya lang ay huminga ng malalim at binitawan ako. Lumunok muna ako at inayos ang sarili ko. "We need to talk." Seryosong sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Wow! Akala ko ba ayaw niya sa akin pero ngayon hay, mga lalaki talaga, sobrang hirap espilingin!
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. As I remember wala na kaming dapat pag-usapan! Dude, harap-harapan niyang pinamukha sa akin na hindi ako mapagkakatiwalaan! Bahala siya sa buhay niya noh!
Dahan-dahan siyang tumingin sa mukha ko. "Your proposal." Proposal? Nag-propose ba ako sa kanya?! Ano kasal?! Ano ako gaga?! Hindi ako ganun kadesperada!
"What do you mean?!" inis na tanong ko sa kanya! Tsk! "Gumagawa ng kwento..." mahinang sabi ko sa kanya.
"'Yung solusyon mo sa problema natin." Kumunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi niya?! Inis na sinapak ko siya dahil hindi ko siya maintindihan! Damn! Hindi niya ba alam na busy ako... Kumunot ang noo ko. Saan nga ulit ako busy?! Nakagat ko ang labi ko....
....
...
...
...
JOKE LANG!
Alam ko naman talaga ang tinutukoy ni Luke 'yun nga lang, gu-good timingin ko muna siya! Lihim akong napangiti!
"Sab, kabit ng tatay ko ang mama ko at kabit ng nanay mo ang tatay ko kaya pwede mamaya mo na ako pagtripan!" asik na sabi niya. Napangiwi ako.
"Alam mo ang KJ mo!" inis na sabi ko sa kanya sabay nag cross ng arms! Time to be serious! "Oh ano naman ngayon?" seryosong tanong ko sa kanya. Atsaka paano niya pala nalaman kong nasaan ako ngayon? Don't tell me stalker ko siya! Well, hindi ko naman siya masisi. Ka-stalk-stalk naman din talaga ako!
"Payag na ako sa balak mo." Napanganga ako sa sinabi niya at mabilis na napatingin sa kanya. Wala akong makitang bakas na pagsisinungaling doon. Damn! Napatulala. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya mahina nga lang ang pagkakasabi ko nun. Kinabahan ako bigla.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin at nagsalita ulit. "Payag na ako sa balak mo. Magpapakasal tayo ngayon mismo para tumigil na ang magulang natin!" seryosong sabi niya.
Napanganga ako.
Uh-oh!
"Akala ko ba ayaw mo sa akin bakit nagbago ang desisyon mo?!" sigaw na tanong ko. Damn! Damn! Damn! Hindi ko alam ang gagawin ko! Oo dapat matuwa ako dahil pumayag siya but it's just he said no kaya no na dapat. No erase dapat! Bakit nagbago?!
Well, okay aaminin ko na. Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi niyang no! Kasi my mama said. Gawin na daw namin lahat ng kalokokohan sa mundo 'wag lang daw namin isasali ang Diyos. Kaya nga nang magkasama kami ni Luke noon hindi ako nagdadasal at nagsisimba dahil ayokong idamay Siya sa kalokokohan ko! At ngayon... Anak ng siomai! My mother will kill me! She will! Tutulungan pa siya ng mga kapatid ko at ng tatay ko!
Tumingin naman si Luke sa akin na para bang naguguluhan!
"Hey, bakit ganyan ang reaksyon mo? May plan B ka ba?" curious na tanong niya.
"Wala!" inis na sagot ko. "Luke, you said no kaya NO na dapat!" madiin na sabi ko sa kanya.
"Naawa na ako sa mommy ko Sabrina!" sigaw niya. "Gusto ko ng matapos ang paghihirap niya kaya kung 'yun lang ang solusyon ko, bahala na si Batman kong anuman ang mangyayari!" Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya. Gago! Aba't sinali pa talaga si Batman!
"Si Batman?" inis na tanong ko sa kanya. "Luke, patay na si Batman kaya 'wag kang umasa sa taong paniking 'yun!" asik ko sa kanya. Damn!
"Sab..." mahinang tawag niya sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko nang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko.
"L-luke!" nauutal ko na tawag sa kanya. Mabilis na hinawakan ko 'yung braso niya para mapigilan siya sa gagawin niya. Baka kasi may makakita sa kanya at kung ano pang isipin! Damn! He is a fucking CEO! Hindi ba nag-iisip ang lalaking 'to! Lumuluhod siya sa isang babaeng nanloko sa kanya!
Tumingin sa akin si Luke. He looks so helpless and hopeless!
"Sab please..." pansumamo niya pa.
Napatulala ako at napatingin sa kanya. Damn! Alam niyo 'yung sympathy? Minsan nakakainis ang salitang 'yun! Huminga ako ng malalim at hinila siya para mapatayo siya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tumingin sa mga mata niya.
"Fine!" Bahala na nga din si Batman! I know, again, hindi na naman ako magiging mabait na anak sa nanay ko but this for the best! "We will get married today but first thing first." Seryosong sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. "May singsing ka para sa ating dalawa? Taong pwedeng maging witness at higit sa lahat judge na pwedeng magpakasal sa atin?" seryosong tanong ko sa kanya at nang masabi ko 'yun sobrang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Napatulala siya ng sabihin ko 'yun. Binitiwan ko siya at nag cross ng arms 'tapos ay umirap sa kanya. "Kapag walang ganun sa loob ng 30 minutes kalimutan mo na 'yung sinabi ko at ang araw na 'to." Mahinang sabi ko at pasimpling tumingin sa kanya. Nang tumingin siya sa aki ay agad na umiwas ako at tumingin sa gilid ko.
"I have it all..." sagot niya. Mabilis na napatingin ako sa kanya at napalunok. Damn, he's serious and I'm doomed! My mind went blank at nang bumalik na siya, wala lang akong naisip kundi...
RIP
+
Sabrina Xenon E. Buenavista
See you soon!
********************************
Eto na... Eto na.... Malapit ng matapos.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
