"CAP, Grabe! Ang galing-galing mo! Akalain mo naperfect mo 'yung exam?!" sigaw ni Kyle sa likuran ko tinapik pa nya ang likod ko. Hindi ko sya pinansin. Tumingin lang ako sa test paper ko. 130/130. Di nga? Naperfect ko? Oo, Ini-expect ko na marami akong tama dahil halos ng riniview namin ni Sabrina kagabi ay lumabas sa exam namin... Pero, hindi ko ini-expect na ma-pe-perfect ko!
At salamat kay Sabrina! Kaya kahit ano mang ipagawa sa akin ni Sabrina ngayon, gagawin ko ng walang pang-aalinglangan!
"Totoo ba talaga 'to?" tanong ko habang titig na titig sa test paper ko. Alam ko naman na totoo. Gusto ko lang na sabihin ng mga kolokoy na nasa likuran ko na totoo! Eh sa first time na nagyari sa akin 'to eh!
Math 501, ang bwisit na subject na dahilan kung bakit hindi ako nakagraduate last year! Napangiti ako at napasuntok! Yeah boy! Ano ngayon ang registrar namin? Hindi na nya ibabalik ang AFG ko ngayong taon.
"Cap! Kung 'yung teacher nga na 'tin hindi naniwala, kaya pinatake ka ulit nila ng exam, kami pa kaya?" tanong ni Steven. Nalukot ang mukha ko sa sinabi nya. Panira ng trip! Rinolyo ko 'yung test paper ko at pinalo sa ulo nya!
"Cap naman eh!" reklamo nya.
Nakakinis talaga ang prof na 'yun tuwing naalala ko ang ginawa nya kanina! Hindi kasi naniwala ang teacher namin kaya pinatake ulit ako! Kaya buti nga sa kanya! Napahiya sya sa buong klase. 'Yung una kasing result ng exam namin 125/130...At sobrang hindi daw na nakakapaniwala!
Kaya pinatake nya ulit ako ng exam at na-perfect ko! Kung aapela pa sya, sigurado akong patay sya kay Sabrina! Sabi pa naman sa akin na dalian ko ang pagsagot ng exam ko... May laro pa daw kasi kami. Pero speaking of Sabrina... Hindi ko pa sya nakikita!
Nakakinis pa naman ang babaeng 'yun! I mean... Ah ewan! Lakas kasi makahatak ng attensyon. Instant sikat nga sya eh! At sobrang dami ang humingi ng picture sa kanya. Akalain ba naman syang international model? Tsk! Mga sira! Kita nilang hindi katangkaran si Sabrina eh! 5'4 lang yata si sya. Pero ang nakakatuwa kay Sab, dedma lang sya. 'Yung kumbaga wala syang pakialam sa mundo. Hindi tulad ng iba, 'yung feeling.
Kaya nag-aalala ako sa kanya eh! Iniwan ko kasi sya dito sa may fountain ng school namin. Pero wala sya. Naman! Baka may dumukot sa babaeng 'yun. Madami pa namang siraulong estudyante ang nag-aaral dito! Baka kung ano ang ginawa sa kanya.
"Kyle..." tawag ko kay Kyle. Humarap ako sa kanya. Kailangan naming mahanap ang babaeng 'yun baka mamaya kinidnap na 'yun! Ba't ba kasi ang ganda nya?
"Bakit Cap?" tanong nya.
"Nakita mo ba si Sab?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...