Chapter Seven

4.7K 130 7
                                    

Mauubos ang pera ko! 'Yan ang laging sinasabi ko sa sarili ko tuwing nakikita ko ang mga kinukuha ni Sabrina dito sa grocery area. Kuha kasi ng kuha si Sab. Naka-tatlong cart na kami at tingin ko wala pa syang balak na tumigil sa pagkuha. Tumingin ako sa cart. Puro pagkain ang laman nito. Junkfoods, cookies at chocolates kadalasan.

"Okay na!" sigaw ni Sab ng mailagay nya sa cart ang apat na peanut kisses. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. Yes! Makakuwi na kami! Dalawang oras na kasi kami dito eh... Tumalikod si Sab at umuna sa paglalakad. Napakunot naman ang noo ko nang hindi papuntang cashier ang direksyon nya. Don't tell me na may bibilhin pa sya? 

"Sab, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya.  Mauubos ang pera ko 'pag nagkataon.

Lumingon sya sa akin na nakakunot ang noo. Lumapit sya at tinitigan ako kung may sakit ba ako o wala. "Hindi pa,  may bibilhin pa ako."

Nanlaki ang mata ko. Kahit inaasahan ko na sasabihin nya 'yun, hindi pa rin ako makapaniwala.

"Pero Sab, ang dami na nito..." sabi ko sa kanya.

"Bobo ka ba?" inis na tanong nya. "Hindi naman pagkain ang bibilhin ko eh, mga kagamitang pandagat?" napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong kagamitang pandagat ang sinasabi nya?

Galit na tumingin sya sa akin "Slow ka rin 'no?" nang-uuyam na tanong nya. "Para malaman mo, feminine wash, pulbos, tissue at higit sa lahat napkin ang bibilhin ko!" at nag roll sya ng eyes pagkatapos nyang sabihin 'yun. 'Tapos ay tumalikod sya sa akin at tumakbong umalis sa harapan ko.

Naiwan akong natulala sa sinabi nya 'tapos ay napailing. Sabrina, iba ka talaga.

Kagamitan pangdagat? 'Yun na pala ang tawag doon...Napabuntong hininga na lang ako at umiling-iling na sinundan sya. Pero nang maalala ko na dalawa lang ang tulak-tulak kong kart  at naiwan 'yung isa sa likod, tumigil ako. Tsk! Maghihintay na lang ako sa kanya dito! Babalik rin naman 'yun eh. Ako kaya ang magbabayad! Sinabihan nya na ako kanina. Napatingin ako sa relo ko, 1:30 pm na. 'Tapos na kaya ang mga mokong na 'yun sa paglilinis ng bahay?

Naiwan kasi sila Steven, Teban, Lesther, Kyle, Jules, Louie, Stanley at Sandro sa bahay, naglilinis kasi sila doon. Tinupad kasi nila ang sinabi nila kahapon na tutulungan nila si Sabrina sa paglilinis ng bahay. Napailing na lang ako ng maalala ko 'yung nangyari. Kasi hindi ko alam kung dapat mainis o matuwa ako  sa kanila. Matuwa dahil dumating sila o mainis dahil... Aish! Ang aga-aga kasi nilang  pumunta sa bahay. Excited na excited lang?! Alas 3 pa lang kasi ng umaga, nasa harap na sila ng bahay namin. Take note, kumpleto na silang pito.

Paano ko nalaman, kanina kasing mga 2:59, pitong sunud-sunod na text ang natanggap ko. Hindi ko 'yun pinansin kasi baka wala lang. Kaso ilang segundo pa lang ang lumilipas, may nagtext naman at sunud-sunod! Hindi ko alam kung ilang text 'yun! Basta isa lang ang alam ko inis na inis ako ng mga sandaing 'yun at mapapatay ko kung sino man ang nagtext sa akin! Kasi  may bigla na lang isang sira ulong sisira sa masarap kong tulog.

Kaya inis na napabangon ako sa pagkakahiga at kinuha 'yung cellphone. At nag-flash sa cellphone ko ang 150 messages, galing lahat kay Steven! At ang lahat ng text nya ay....

'Cap, nsa harap na kami ng bahay nyo, pagbuksan nyo na kami ng gate, nga pala nakapalengke na kami.'

------

"Steven!" inis na napabangon ako sa kama ko at bumaba sa kama. Humanda talaga sa akin ang lalaking 'yun. Nagmamadaling lumabas ako sa kwarto ko. Kahit kailan panira talaga ang lalaking 'yun. Tumakbo ako pababa sa hagdan. Napahinto ako ng may naanigan ako sa sala ng mapadaan ako doon. Sumilip ako at sobrang nagulat ng makita ko si Sabrina sa sala. Nakasalampak sya sa sahig at busy sa pagsusulat doon sa isang maliit na papel. Naramdam siguro ni Sabrina ang presensya ko kaya nag-angat sya ng tingin.

Napasinghap ako. Kahit mukha syang ewan, ang ganda pa rin nya! May pagka-messy kasi 'yung itsura nya. At halatang-halata na inaantok pa sya! Ang cute nyang tingnan.  Tinaasan ako ng kilay ni Sabrina kaya napatigil ako sa pagmumuni-muni!

Alanganing ngumiti ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo dyan Sab?"  tanong ko.

Tinaas nya lang 'yung papel at ballpen 'tapos ay yumuko ulit at nagsulat. Tange!  Nagsusulat sya malamang! Napakamot na lang ako sa ulo ko at pumunta sa front door.

"Psst!" tawag ni Sabrina sa akin ng mahawakan ko na 'yung door knob. Lumingon ako sa kanya.  

Tumayo si Sabrina at lumapit sa akin. Binigay nya 'yung papel na sinulatan nya kanina. "Ikaw na lang magsabi sa kanila. Matutulog pa ako..." sabi nya and she yawned. Tumalikod si Sabrina sa akin at naglakad paalis sa akin.

Tiningnan ko 'yung papel at napailing ako sa nakasulat doon.....

        

         AREA OF RESPONSIBILITIES

Jules, Kyle: 2nd floor ng bahay.

        Direction: Linisin lang hallway 'wag isali ang kwarto ni Sabrina.

Stanly, Sandro, Louie, Teban: First floor ng bahay

        Directions: Linisin ang sala, Siguruduhin walang alikabok namamahay sa mga display at bintana ng bahay. 

        TAKE NOTE: 'Wag na 'wag i-rearrange ang mga furnitures! 

Luke: SAMAHAN SI SABRINA SA PAMAMALENGKE

Steven: Kitchen

        Direction: Magluto ka lang!

Prepared by: Sabrina Xenon

PS: HAPPY CLEANING EVERYONE ^______^

-----

"Luke, bayarin mo na 'to!" napapikit ako  at napailing ng marinig ko ang boses ni Sabrina. Napatingin ako sa gilid ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Sabrina.  "Lutang ka..." pahayag nya.

"Huh?" tanong ko.

"Tsk!" sabi nya lang at tumalikod sa akin.

AN:

Sobrang ikli lang po nito!

Hope you enjoy this! 

 

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon