"Luke 'yung totoo, kwarto ba 'to o bahay kubo?" tanong agad ni Sabrina sa akin pagkapasok na pagkapasok namin sa kwartong tutuluyan namin.. Oo namin! Hindi ko nga alam kong paano ko sasabihin sa kanya na iisa lang ang magiging kwarto namin at magtatabi kami mamaya sa pagtulog. 'Tapos eto pa sya ngayon nagrereklamo-I mean nagtatanong ng mga ewang tanong.
Para kasing bahay kubo 'yung cottage na binigay sa amin eh. Bwisit! Wala na kasing ibang bakanteng cottage at wala na ring bakanteng kwarto sa hotel ng resort na 'to kaya hindi ako makakuha ng panibago! Kainis talaga! Ano na ngayon ang magiging set-up namin?! Sa kama sya at sa sahig ako? O di kaya naman ang worst eh, sa labas ako at sya sa loob.
BWISIT!
Kakausapin ko na lang si Steven mamaya para pakiusapan syang magtabi na lang kami... Kasi ASA naman na patatabihin ako ng babaeng 'to. Sya pa! Ni hindi nga ako halos pinapapasok sa kwarto nya. Ewan ko ba kay Sabrina! Pero 'pag nasa kwarto ko sya, para pa syang may-ari ng bahay kung makaasta!
"Hoy Luke! Sagutin mo ang tanong ko! Kwarto ba 'to o bahay kubo?" sigaw na tanong nya sa akin... Napakamot ako sa ulo ko at tumingin sa kanya. Nakakainis ha! Ako na nga 'yung nag-aarange ng gamit nya dahil ewan ko kung ano bang nangyari sa kanya doon sa kung saan sya galing at ako ang pinadala ng mga gamit nya... Banas na banas kasi ang mukha nya kanina ng lumapit sa akin.
Kaya hindi na lang ako umimik baka kasi ako pa ang pagbuntungan ng galit nya.
May nangyari sigurong hindi nya inaasahan o 'di kaya may nangyaring hindi nya nagustuhan kaya ayun! Hindi namansin sa akin kanina at ngayon naman... Ewan ko na lang! Utos ng utos! Tanong ng tanong!
"Sab hindi 'to kwarto, COTTAGE 'to at bahay kubo inspire 'yung design..." inis na sagot ko sa kanya. Tumango-tango lang sya 'tapos inilibot nya ang paningin nya sa kwarto na tutuluyan nami--NYA pala! Napailing na lang ako
"Ah... Tingin mo Luke, kung susunugin ko ba 'to, kasing laki ba sya ng apoy sa bonfire ang magiging apoy nito?" inosenteng tanong nya. Napatitig ako sa mukha nya. Seryoso ba sya sa tanong nya? Anong kasing laki ng bonfire ang magiging apoy? Eh SOBRANG NAPAKALAKING APOY kaya nun pag nagkataon!
"Sab sobra--
"'Wag mo ng sagutin,..." putol nya sa sagot ko "Wala naman kasi akong balak na sunugin 'to eh, kaya 'wag mo na lang talagang sagutin baka kasi magka-idea pa ako at gawin ko 'yun..." dugtong nya.
Napanganga ako sa sinabi nya.. "tapos ay napatampal ako sa noo ko. Sab... Ano ba 'yang takbo ng utak mo? Minsan nakakatuwa, pero halos nakakatakot! Napakamot na lang ulit ako sa ulo ko at tinalikuran sya. Inarange ko na lang 'yung mga gamit namin doon sa maliit na kabinet. Baka kasi 'pag sinubukan kong hulaan 'yung iniisp ni Sabrina mabaliw pa ako!
"Luke, bakit mo nilalagay ang mga gamit mo dyan?" tanong nya na nagpatigil sa akin sa pag-aarange sa mga gamit namin. Napalunok ako. Ang tanga bow! "Mag se-share ba tayo ng kwarto?" tanong nya ulit.
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Napakamot ako sa batok ko at ngumiti ng alanganin sa kanya "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya "Wala kasi--
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...