Natulala ako pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. Grabe! Ang kintab! Parang flinorwaxan ang bawat parte ng bahay namin at nilampaso 'yun. Napatingin ako kay Sabrina na ngayon ay iniikot ang paningin sa loob ng sala. Ngumiti si Sabrina at tumingin sa kanila.
Napasighap naman ang mga kolokoy. Napangiwi ako. Mga ewan!
"Ang galing nyo naman, pwede kayong maging katulong." napaubo ako sa sinabi ni Sabrina at pinigilan ko ang sarili kog mapatawa. Maganda na sana 'yung sinabi nyang 'ang galing nyo' kaso dinagdagan nya ng 'pwede kayong maging katulong'. Napailing na lang ako.
Tumingin ako sa kanila 'tapos napangiwi ulit sa nakita ko. Hindi man sila na-offend sa sinabi ni Sabrina. Ang saya ng mga mukha nila eh. Tsk! Baliw!
"Nakaluto na pala si Steven!" Malamang! Halos tatlong oras kaming nawala. Kaya imposible namang hindi pa sya nakaluto! Gutom na nga ako eh! Hindi kasi kumain doon. Sabi kasi ni Sabrina, dito na lang daw. Malamang na sasabihin nya 'yun, 7, 565.95 pesos lang naman ang nabayaran ko kanina. Aish! Nakakainis alaga 'pag naalala ko 'yun. 250 pesos na lang ang cash na natira sa wallet ko. Kaya ano ang mabibili ko sa 250 pesos lalo na at kasama ko ang isang Sabrina Xenon Buenavista?
Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Sab. "Talaga?" tanong nya.
Pansin ko lang, parang mainit yata ang dugo ni Sabrina kay Steven... Hindi ko ma-explain kung bakit, pero kasi 'yung trato nya kay Steven ay parang tulad...*ahem!* sa akin.
"Oo!" masayang sagot ni Steven. Pumunta sila sa gilid para mabigyan nila ng daan si Sabrina. Naglakad naman si Sabrina doon. Galing... Parang reyna lang nila si Sabrina. "Nasa kusina---
"Alam ko!" putol ni Sabrina sa sasabihin ni Steven. Lumingon si Sabrina sa kanya at inirapan sya. "Tingin mo sa akin, taga-bundok? Ginagawang kusina ang sala...." napatahimik kaming lahat sa sinabi ni Sabrina.
.
.
.
.
Therefore I conclude, tama nga ako. Mainit nga ang dugo ni Sabrina kay Steven. Pero bakit kaya?
Napatingin kaming lahat kay Steven na ngayon ay nakatulalang nakatingin kay Sabrina. Tsk! Tsk! 'Tol, hindi ka nag-iisa. Mas masaklap pa nga ang naranasan ko sa 'yo eh!
Iniwan kami ni Sabrina at umuna sa kusina.
"Steven naman kasi, tinatanong mo pa 'yung obvious..." agad na sabi ni Stanly sa kanya. Lumapit ito sa kanya at binatukan.
Aba't gago 'tong si Stanly. Si Steven talaga ang may kasalanan.
"Oo nga 'tol!" pagsang-ayon ni Sandro. Nasapo ko ang ulo ko. Naloko na! Ano bang tinira ng mga kaibigan ko?
"'Tol, una na ako. Kailangan ko pang pagsilbihin si ganda!" singit ni Jules. Nagmamadaling sinundan nya si Sabrina. Wala na! Baliw na talaga ang mga kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...