Luke's POV
"LUKE ano sa tingin ang mas maganda..." masayang sabi ni Sab sabay tingin sa akin na nakangiti. "We are going to Spencer's stupid resort 'tapos mag ge-gate crash tayo na para bang mga kontrabida tayo sa isang teleserye at sasabihin natin sa mama ko na 'Stop that lewd relationship you have! I and Luke are married kaya..." bigla siyang tumigil sa pagsasalita at ngumiwi. "God! What I've been thinking, wala na ba akong magandang introduction na maisip?! Seriously, alam kong mas may ibubuga pa ako!" at pumalatak pa siya.
Huminga ako ng malalim.
Okay.
Papunta na kami sa resort ni Spencer kung saan nandoon ang nanay niya at tatay ko. Sabi ni Kento may event daw doon kaya nandoon ang mama ni Sab at ang daddy ko at nang tinanong ko kung ano, hindi daw nila alam kong ano 'yun-at hindi ako naniniwala sa sinabi nila! Seriously, sa titig niya at sa pagsasalita niya, something is not right! Una sa lahat bakit hindi ko alam at ni Sab ang event na 'yun? Ano? Para saan ang event na 'yun?
Atsaka...
May isang bagay na kinakabahan ako. Kanina kasi sa bahay slash boutique ni Kento may nakita ako. Sketch ng isang wedding dress na may pangalan ng mama ni Sab at isang sketch ng suit na may pangalan ng daddy ko and damn, ayokong mag-isip ng hindi maganda! Damn! Kasal pa ang mga magulang ko kaya impossible naman diba? Impossible naman na ang event na 'yun ay....
"Hey Luke, mag-isip ka nga ng magandang introduction para mamamaya." Biglang salita ni Sab. Walang alam si Sab sa nakita ko kanina. Hindi ko sinabi sa kanya ang nakita ko kasi baka bigla na lang magwala ang babaeng 'to. Knowing Sabrina...
"Wala akong maisip." Sabi ko sa kanya. Ngumiwi siya.
"Namimihasa ka na ah. 'Yung solution sa problema natin, ako nag-isip 'tapos simpleng intro para mamaya... Huy! Mag contribute ka naman pag may time!" dugtong niya at nag-cross siya ng arms 'tapos tumingin sa may bintana. Huminga na lang ako ng malalim. Kung hindi ko lang nakitang umiyak si Sab kanina, hindi ako maniniwala na may concern talaga siya sa bagay na 'to. Kasi naman, 'yung mga sinasabi niya ngayon taliwas-I mean para siyang excited sa gagawin namin! Seriously?! Ako nga kinakabahan na natatakot pero siya chill lang?!
Ilang sandali ay nakadating na din kami sa resort ni Spencer. Mabilis na pinark ko 'yung kotse ko at bumaba. Bubuksan ko na sana ang 'yung pintuan para kay Sab ng bigla siyang lumabas at natamaan ako.
"Shit! Sabrina!" inis na sigaw ko. Ang sakit ng tuhod ko. Inis na tumingin ako sa kanya na nakangisi na para bang may magandang ginawa sa mundo ngayong araw!
"Luke, alam ko na!" masayang sigaw niya. "Mag ha-hire muna tayo ng dalawang lalaki na bubukas ng pintuan ng function hall (kung nasaan ang magulang namin, ayon kay Kento) Bubuksan nila 'yun ng sobrang laki at papasok tayo with all the chin up 'tapos I will flip my hair at ikaw ay chumachar char na inaayos ang dulo ng long sleeve mo 'tapos dramatic na titingnan ko ang mama ko at sasabihin ko sa kanya. 'Ma, I'm married!" sabi niya.
Ugh!
Introduction!
So buong biyahe 'yun ang iniisip niya? Ugh! Sabrina's childishness! Kung wala lang problema ngayon, matutuwa ako sa sinasabi niya but iba ngayon...
"Kung 'yan ang gusto mo edi gawin natin." Sabi ko.Ngumiti lang siya at naglakad na kami. Sabi nung map guide sa harap ng resort, bago kami makakapunta sa fumction may madadaanan daw kaming...
"Oh God..." sabi ko. Napatigil ako sa paglalakad at biglang kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba! No way!
May arkong floral sa harapan namin 'tapos may pathway na may mga petals ng pulang rosas sa buhangin... parang aisle na lalakaran ng isang bride. Shit! May maliit na chapel sa dulo at may nakikita akong taong, kinakasal! Hindi ko makita ang loob kasi malayo pero may maaaninag kang may tao doon att para bang may okasyon! Fvck!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
