Napatingin kaming lahat kay Sabrina ng sabihin nya ang huling salitang 'yun.
May alam ba si Sabrina tungkol sa amin?
Narinig naming lahat na tumawa si Howard. "Sino ka naman ha?" nakakalokong tanong nya kay Sabrina. Patay! Lagot ka! Si Sabrina talaga ang tinanungan nya ng ganyan.
"Ako si Sabrina Xenon Buenavista, fiancee ako ni Luke." diretsong sagot ni Sabrina. Pinamaywangan pa sya ni Sabrina.
"Talaga Luke?" hindi makapaniwalang tanong ni Howard tumingin sya sa akin. "Ang---
"Will you shut up?!" putol ni Sabrina sa sasabihin ni Howard. Nagulat yata si Howard sa ginawa ni Sabrina kasi bigla napatitig ang lalaki dito. Bumitiw si Leila sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi ka ba magsosorry? 'Yun ang gusto kong ibig sabihin mo."
Kinabahan ako. Sorry? Sab... may alam ba sya?
"Bakit naman ako mag sosorry?" tanong ni Howard sa kanya.
"Dahil irresponsable ka!" sagot ni Sabrina, "Nabasa ko ang pangalan mo sa official list na maglalaro sa team ni Luke, hindi ka dumating. Kasali ka pa naman sa First-five." nakahinga ako ng maluwag sa sinagot ni Sabrina.
So wala syang alam. Mas mabuti 'yun!
Tumawa ulit si Howard. Nakita kong napangiti si Leila. Tingin ko hindi mabuting i-sekreto 'yun kay Sabrina.. Ginagawa kasi nilang tanga si Sabrina eh...
"Tingin ko wala kang balak mag sorry." huminga ng malalim si Sabrina at tumalikod sa kanila. " Akala ko pa naman..." bumuntung hininga ulit si Sabrina. Nasapo pa nito ang ulo nya 'tapos ay napailing. "Minsan talaga nagkakamali ang tao. Kasi 'yung minsan-I mean palagi kasing nagsasama ang sinungaling at manloloko sa isang lugar kaya mahirap tukuyin ang tunay at totoo." sabi nya 'tapos tumingin kay Howard at kay Leila.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sabrina. Anong connect nung sinabi nya sa pagiging iresponsable?
Palagi kasing nagsasama ang sinungaling at manloloko kaya mahirap tukuyin ang tunay at totoo
Sh*t!
Napatingin ulit ako kay Sabrina, sinasabi ba nyang, sinungaling at manloloko sila Howard at Leila. Kung ganoon may alam talaga sya. Na si Leila ang ex ko...
"Oops! Hindi ko kayo pinariringgan ha, pinatatamaan ko lang kayo." matapang na sabi nya. Napasinghap kaming lahat sa sinabi nya. Sabrina? Ghad! Hindi ba natatakot ang babae 'to?! Baka sapakin sya ni Howard. Ang liit pa naman nya. Napatingin ako kay Leila ngayon ay titig na titig kay Sabrina.
Humarap sya ulit kina Leila at Howard 'tapos ay humakbang palapit sa kanila. Nakita ko namang napaatras 'yung dalawa. Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti na lang ako bigla. Huminto siya sa paglapit sa kanila. "Kaya kung ako sa inyo, umalis na kayo sa harapan ko! Ayaw mo naman sigurong maubos ang pasensya ko..." sabi nya 'tapos tumingin sya kay Leila at ngumiti. Namutla si Leila at hinila nya agad si Howard palayo sa amin.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...