Chapter Sixty

1.4K 34 11
                                    


Sab's POV

TWO YEARS. Ang bilis ng panahon! Two years na pala nang huli akong nakatapak sa Pilipinas. Huminga ako nang malalim. Kainis! Kinuha ko 'yung packbag ko. Oo, packbag ko! Hindi maleta ang dala ko. Ilang araw lang naman ako dito sa Pilipinas dahil uuwi rin ako sa England.

Wala akong balak umuwi! 'Yan ang sigurado ako! Wala naman kasi akong gagawin sa Pilipinas. Sa England meron! Nag-aaral kasi ako ng arts dun. Oo, Arts! 'Yung painting-painting, drawing-drawing at sketch-sketch! Wala lang trip ko lang mag-aaral ng ganun!

Kaso 'yung mama ko, pinauwi ako ng Pilipinas. May sasabihin daw siyang importante sa amin! Nakakainis nga eh, dahil sa kanya hindi ako nakapanood ng ending ng Game of Thrones! Bwisit! Biyahe ko kasi!

Ang mas nakakainis pa, wala man lang magsusundo sa akin dahil busy ang mga tao sa amin! 'Tapos 'yung maid ko na walang kwenta a.k.a. Corin, ayun busy siya sa buhay niya! Pinursue niya kasi ang pagiging model! Model na siya sa England. Oh diba, kaya wala ng pwedeng magsabi sa kanya na wala siyang kwenta bukod sa akin! I'm proud of her. Walang duda dun! Ang layu-layo na nga niya pero hindi siya nagbabago-I mean nagbago na pala siya! Hindi na siya utak talangka! Nawala na 'yung pagiging isip-bata niya.

Tumawag na lang ako ng taxi para makasakay na ako at makauwi sa bahay. Mabilis naman akong nakasakay ng taxi.

Sinabi ko 'yung address ng bahay ng kuya Skylar ko. Doon kasi kami magkikita na magkapamilya. I just rolled my eyes. Ang OA lang! Ano, reunion? Gusto kong sumuka dahil dun! Don't get me wrong! I miss my family! 'Yun nga lang, wala akong planong makipagplastikan sa kanila! Pina-abrupt na pinauwi ako sa Pilipinas, pagod na pagod ako sa biyahe 'tapos hindi man lang nila ako sinundo?! Anong klaseng pamilya sila?!

Tama ang rinig niyo. Pina-abrupt ang pag-uwi ko ngayon! May mahalaga kasing sasabihin ang mama ko! Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ang ate Anastacia ko kasi tinawagan niya ako nung isang linggo. Sabi niya sa akin, 'yung mama ko, iba ang kilos! My mama hates cellphone pero nagpabili daw siya ng Iphone sa kanya at latest pa! Hindi man lang daw siya binigyan ng number ni mama pagkatapos niyang bilhan ito at ang nakakaba pa daw, ni isa sa pamliya namin, wala man lang siyang binigyan ng number niya pero palagi siyang may kausap sa phone! Hindi naman daw si papa!

Pagkatapos araw-araw may lakad daw 'to at nagpapaganda pa talaga tuwing may lakad siya! Hindi kasi ganun ang mama ko! Aalis 'yun ng bahay ng naka t-shirt at maong na pants 'tapos mag fla-flat shoes. Pupunta siya sa botique ni Kento at doon magpapaganda! At malalaman na lang namin pagkabukas na umattend siya sa ganitong event Pero ngayon, hindi na daw ganun ang gingawa ng mama ko!

Sinundan daw nga minsan ni ate kaso bigla na lang daw nawala nang sumakay sa isang kotseng itim!

Napangiwi na lang ako.

Tsk!

Lakas maka-horror!

Tumingin na lang ako sa kalsada. Change is coming. Napangiti ako. Sana nga. Nakakainis na kasi ang traffic eh! Bakit hindi na lang sila maglagay ng zipline dito para mabilis! Wala pang hassle, enjoy pa! Tsk! Napatingin ako sa mga building-Nanlaki ang mata ko ng may Makita ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Shit! Ang tagal nun! Bakit....

"Ang gwapo niya, hija no..." mabilis na napatingin ako kay manong nang magsalita siya. Nakatingin siya sa may salamin sa harapan niya. Tumingin lang ako dun sa may salamin.

"Ho?" tanong ko sa kanya.

"'Yung lalaki sa billboard." Sagot niya pinaandar niya ang sasakyan dahil umusad ng kaunti ang traffic. Ilang segundo pa lang kami tumatakbo, tumigil ulit siya! Pesteng traffic! "'Yung mga pasahero ko kasi kapag, dumadaan kami dito palagi nilang binaba 'yung bintana at pinipicturan ang lalaking 'yan kahit billboard lang." Naitaas ko ang isang kilay ko. Sikat na pala siya? Wow, edi siya! "'Tapos sinasabi 'ang gwapo niya talaga sana akin na lang siya' meron pa ngang nagsasabi na papakasalan ko siya balang araw, ang gwapo kasi 'tapos ang talino pa'" Tumawa si manong at umiling. "Kabataan nga naman ngayon ang---

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon