Chapter Thirty Seven

1.7K 49 8
                                        

LUKE



"Corin! 'Yung pink ang kunin mo!" inis na sabi ko sa kanya. Ang tigas ng ulo nya! Sabi ng pink 'yung kunin nya dahil mura pero ayaw nya talagang makinig sa akin! 'Yung blue talaga ang kinukuha nya! At kung makakuha ha, akala mo sya ang magbabayad? AKO kaya! Asar!


"Ayoko!" sabi nya sabay belat sa akin. Aba't! Bwisit! "Gusto ko 'tong blue! Ang cute kaya nya..." parang batang sabi nya. Tinaas nya pa talaga ha? Napatampal ako sa noo ko. Jusko! Ano ba talaga ng babaeng 'to?! Pinili nya 'yung blue dahil cute? Come on! Ano bang laman ng utak nya? "And besides, I hate pink!" maktol nya pa.


Ah ganun?


Ayaw nya sa pink? Eh sobrang mahal kaya nung blue! Jusko talaga!


Atsaka ang weird talaga ng babaeng 'to. Women loves pink pero sya, ayaw nya! Sinakal nya nga 'yung tindera ng pinagpilitin sa kanya 'yung color pink eh! Hay.. Napailing na lang ako. Kinuha ko na lang 'yung wallet ko sa bulsa at kumuha ng 500 at binigay sa cashier.


"Sir, ang cute ng kapatid mo..." nakangiting sabi nung cashier habang binibilang 'yung sukli ko. Ano? Napatingin ako kay Corin. Kami ni Corin... Mukhang magkapatid? Ano 'to? Magkamukha kami? Magkaugali?


No way!!


Shet! Inis na hinarap ko 'yung babae.


"Miss, nagkakamali ka, hindi ko kapatid ang babaeng 'yun." agad na sabi ko sa babaeng 'yun. Oo noon, pinangarap ko na magkaroon ng kapatid pero kung sya ang magiging kapatid ko, itaga nyo sa bato, dadalhin ko sya sa Disneyland at iiwan doon. At kahit kailanman, hindi ko sya babalikan doon. Bahala na kong paluin man ako ng maraming beses ng mommy at daddy ko. Basta mawala sya sa buhay ko, OKAY na 'yun!


"Mas masarap kaya 'tong corneto na blue kuya..." parang batang sabi nya. Lumapit pa sya sa akin sabay akbay.


Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi nya. Kuya? Aish! Sabing ayoko syang maging kapatid eh! Nanadya ba sya?!


Tinaasan lang ako ng isang kilay nung babae. "Talaga lang ha... Hindi daw magkapatid..." BWISIT! Sana may magtangkang magnakaw sa Convenience store na 'to at kunin lahat ng kita niya para hindi sya maswelduhan! Kainis! "Thank you for buying sir and ma'am..." sabi nya pagkabigay na pagkabigay nung sukli ko... Agad naman akong hinila ni Corin palabas sa Convenience store.


"Kuya, balik na tayo sa school ko..." nakangiting sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya ng alanganin. Kung maka-kuya sya ha...


Bwisit!


Oo ako na ang mainit ang ulo! Matapos kay Spencer, dumagdag pa ang babaeng 'to!


Kainis!




Kinakabahan ako habang tinitigan ko si Corin. Parang mamatay na sya sa sakit habang tinitigan ko sya. Lumapit ako sa kanya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon