Chapter Twenty Six

3.2K 77 8
                                        




"C'mon Jules laro lang naman 'to eh." Nakakainis! Nakakabanas ang Steven na 'to! Akala mo naman kong sinong gwapo. Itapon ko kaya sa mukha nya ang halo-halong kinakain ko. Tumingin ako kay Jules, deadma lang sya. Psh!




Asan na ba kasi si Luke?! Isa pa ang lalaking 'yun! Nang gumising ako para bang iniiwasan nya ako. Hindi ko alam kung anong nangyari doon!




Napatingin na lang ako kay Steven na ngayon ay nakakatitig sa akin. Psh! Tusukin ko kaya mata nya? Tsk! Kung gagawin ko 'yun ngayon, maraming makikita baka makulong pa ako. Hay.... Ang hirap naman nito. Sana may fairy godmother ako para utusan syang gawin daga si Steven 'tapos ilalagay ko sya sa isang cage kasama si Lia at Lee.




Grabe! Ang saya siguro nun! Aish! Pero hindi naman 'yun mangyayari eh!




Tsk! Bwisit na Steven 'to!




Ewan ko ba kung anong masamang hangin ang dumapo sa lalaking 'to at biglang lumapit sa amin at inaya kaming makipaglaro ng beach volleyball. Ang init kaya 'tapos beach volleyball? Tsk!



Atsaka ang bobo nya! Oh no! O di kaya nababakla sya?! Ano naman kasi ang panama ko sa kanya? Sa tangkad nyang 'yan? At sa liit kong 'to! 



Ang nakakabilib pa, ang lakas ng loob nyang lumapit sa akin ha?




Hindi ba sya natatakot sa akin? Well, sa estado ko ngayon. Hindi naman talaga ako dapat katakutan. Atsaka isa pa, hindi naman nakakatakot ang mukha ko!Hindi tulad nya. I just rolled my eyes.




Well, we are— I mean busy ako sa pagkain dito ng halo-halo kanina ng biglang lumapit sa amin ang ugok na ito! Gusto daw kasi nya na maglaro daw kami-yes! Kasali ako sa ininvite nyang maglaro ng beach volleyball! Ang kapal ng mukhang mag-invite, 'tapos ininvite lang din naman syang maglaro! Psh!




"Ano ba ang prize?" tanong ko na lang sa kanya.





"Kahit anong gusto mo..." agad na napatingin ako sa kanya. He is grinning at me. Napatitig ako sa mata nya.


Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon