Luke's POV
"AYOKO NA!" sigaw ko at inilagay ko sa gilid ko ang mga papeles na kanina ko pang binabasa!
Pirma doon. Pirma dito! Asar! Gusto ko ng mag resign! Pero kapag ginawa ko 'yun, ano ang mangyayari sa kompanya namin?! Asar talaga! Bakit ba kasi nag-iisang anak lang ako?! Napahilot ako sa noo ko at napasandal sa upuan ko.
Damn! Kapagod!
Nga pala...
Umupo ako ng maayos at kinuha ko ang cellphone ko. Five days. Five days na ang nakalipas. Kamusta na kaya si Sab? Gusto ko siyang i-text kaso hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya. Asar! Atsaka baka hindi naman siya mag reply, knowing her.
Inilagay ko na lang ang cellphone ko sa mesa at inikot-ikot 'yun. Mag te-text ba ako sa kanya o hindi? Kung mag te-text ako, ano naman ang sasabihin ko...
'Musta?'
'Kamusta ka?'
Ngumiwi ako sa mga walang kwentang iniisip ko. Tsk! Pareho lang naman 'yun eh! Asar! Nasisiraan na talaga ako!
Atsaka baka i-'who you' lang ako ng babaeng 'yun kung i-te-text ko siya! Tsk! Hinilot ko na lang ulit 'yung noo ko. Tsk! Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin! Naging instant mag-asawa kami! Mag-asawang walang alam sa dapat gawin ng isang mag-asawa!
Hayssst!
Binuksan ko na lang gallery sa cellphone ko at tiningnan ang pictures na kuha nung kasal namin ni Sab. Nag scroll-scroll lang ako ng mapadako ang tingin ko sa picture naming dalawa. Pinindot ko 'yung options at ginawa ko 'yung wallpaper!
Oo! Ginawa kong wallpaper 'yung picture naming dalawa ni Sab na nakangiti sa camera. Bakit masama bang gawin 'yun?! Hindi naman ah! Kaya okay lang na gawin ko 'yun!
Ngumiti na lang ako. Busy ako sa pag scro-scroll ulit ng may biglang nagbukas sa pintuan ng opisina ko. Oo bigla! Hindi kumatok basta binuksan lang niya bigla.
Mabilis na napatingin ako sa may pintuan
What the!
Napatayo ako sa kinakakaupuan ko!
Anong ginagawa niya dito?
"Sabrina!" sigaw ko sa pangalan niya!
Tinaasan lang niya ako ng kilay at hinawakan 'yung doorknob 'tapos sinirado 'yung pintuan ng sobrang lakas na para bang may ginawang kasalanan 'yung pintuan sa kanya!
Humarap ulit siya sa akin at sinamaan ako ng tingin habang lumalapit sa akin. Napalunok na lang ako. Damn! Bakit galit na galit siya?
Shit!
Kinalma ko ang sarili ko.
No!
Hindi ako natatakot sa kanya!
NAGULAT lang ako!
"Ano-
"Shut up!" sigaw niya. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. What the?! Ipakaladkad ko kaya siya sa opisina ko?! Ngumiwi ako. As if magagawa ko 'yun?! Hinampas niya ang mesa ng makalapit siya sa akin kaya napangiwi ako. Ang sakit nun pero para sa kanya parang wala lang! "Five days!" galit na galit na simula niya. "Wow! Hindi mo man lang ako kinamusta, tinext o pinuntahan sa bahay namin?! Ang galing mo rin bes eh! Sobrang galing mo! Pagkatapos kitang tulungan at pagkatapos mong sagut-sagutin ang mama ko ng ganun, ano?! Kinalimutan mo ako?! Hoy Luke Black ipapaalala ko sa 'yo! Asawa mo na ako sa ayaw at sa gusto mo!" nanggagaliiting sigaw niya! Napatulala ako.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...