Chapter Thirty Five

1.8K 48 9
                                    


Luke's POV


"Dyan ka na umupo..."nakangiting sabi sa akin ni Tony... Tumango lang ako sa kanya at umupo doon sa upuan. Mabilis na umalis si Tony at umupo sa may likuran ko. Napalunok ako.


Sinong hindi?!


Katabi ko lang naman si Miranda! 'Tapos katabi nya si Spencer at ang katabi naman ni Spencer ay isang babae na mestisahin! 'Tapos nun, mga lalaking naka-suit ng itim na may dalang plastic bottle na may lamang pebbles.


Bwisit!


At ang nakakainis pa, nasa harapan kami. Oo sa harap ng stage, hindi sa bleachers kundi dito sa mga upuan sa likuran ng mga judges. Sa gymnasium kasi ng school ni Corin ginanap 'tong battle of the band nila... Mga kaibigan ko, nasa tabi-tabi lang 'yun.


Hindi pa kami nagkakausap ni Spencer at wala rin akong plano noh! Baka ano pa ang gawin sa akin ng babaeng 'yun! Ngayon alam ko na kong bakit takot na takot si Sabrina kay Spencer, presence pa lang nya kasi... Hay.... Napabuntonghininga na lang ako.


Biglang tumingin sa akin si Miranda kaya agad na yumuko ako at nagpanggap na may binabasang text message sa cellphone ko. Napapikit ako at napalunok ng bigla nya akong kinalabit. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.


"Where is Sabrina?" nahihiyang tanong nya sa akin.


Bigla akong natauhan sa tanong nya. Oo nga noh! Nasaan si Sabrina? Hindi ba sya pupunta dito?


"Hindi ko--


"Yehey!" nagulat ako ng biglang sumigaw, 'yung mga katabi ni Spencer.


Napakunot ang noo ko ng tiningnan ko kasi 'yung sumigaw nakangiting nakatingin sa akin...


"Shit!" rinig kong wika ni Spencer. Nakita kong ngumiti si Miranda at tumayo 'yung babaeng katabi ni Spencer, 'yung mestisa.


"Hoy!" sigaw nung mestisa kay Spencer.


"Jack sit!" nanlilisik ang matang sigaw ni Spencer. Kung ganun sya si Jack. "Nakakhiya ka!" inis na sabi nya. Tumawa lang 'yung mga lalaking nasa likuran ko-Wait lang! Magkakilala ba sila nung mga lalaking nakaupo dito?


Lumingon ako sa likuran ko at bigla kong naalala.


'81 butlers...' Gusto ko tuloy bilangin 'yung mga lalaking nasa likuran ko. Atsaka Jack... Tiningnan ko 'yung mestisa. Sya si Jack, 'yung pinsan ni Sabrina sa father's side. Napatango ako. Ang galing! Ganda ng lahi nila! Maganda kasi si Jack. Atsaka nice! Full support sila kay Corin ha!


"Don't sit-sit me Spencer..." mataray na sabi ni Jack. "Wala daw si Sabrina and pinatunayan 'yan ni Luke at ni Lass kaya...."


Napamaang ako sa sinabi ni Jack. Kilala nya ako? Nakangiting nakatitig sya sa kay Spencer. Biglang inilahad niya 'yung kamay nya at biglang gumiling-giling sa harapan. Napatawa ako. Adik! Grabe! "Tayo Spencer!" kanta nya. "Tayo!"

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon