"SAB, saan ba talaga tayo pupunta?" ika-limangpung beses na tanong ko sa kanya. Limang oras na siyang nag-da-drive at seriously wala pa akong nakikitang bahay o kahit mang isang establishimento. Dala na siguro sobrang dilim kaya wala akong nakita sa daan.
Diba sabi niya mag jo-joyride daw kami?
Napatingin ulit ako sa labas ng kotse at napalunok.
Ang dilim!
Damn it!
This is not a joy ride! Nakakatakot ang biyaheng 'to!
Baka may biglang lumabas na mga pangit na lalaki dito na kamukha nung nasa wrong turn! Utang na loob, sana wala naman! Hindi pa nga kami nakakabuo ng pamilya ni Sabrina!
O di kaya naman...
Ipapa-salvage ba ako ni Sab?!
Imposible naman diba?! Bati naman kami. Fiancée niya naman ako. At okay naman kami kanina kaya ano ang magiging rason niya para ipa-salvage niya ako?!
Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"We're going to my place..." simpleng sagot niya sa tanong ko at humarap ulit sa daan para mag-drive.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw? Hindi ko agad na-absorb ang sinabi niya. Pupunta kami sa lugar niya? Wait! May bahay siya dito sa Plipinas? But she said before na wala siyang bahay....Did she? Sinabi niya ba sa akin 'yun noon? O di kaya naman...Sa bahay nila?
Napasinghap ako!
Holy crap!
Pupunta kami sa bahay nila!
Sa bahay nila! Ano ang gagawin namin sa bahay nila?! Oh shit! Tama nga pala! Birthday ng kuya niya! So, invited siya at ako... Ako ang isasama niya sa birthday ng kuya niya? Right! Ako nga siguro! Kami ang magkasama eh! 'Tapos ipapakilala niya ako sa tatay at nanay niya, sa buong pamilya niya pati na rin sa mga maid at butler nila.
Shit!!!
Wala akong dalang gift! Para sa mga kuya.... sa nanay at tatay niya! Sa mga bata! Sa asawa ng kuya niya! Sa pinsan niya! Mga pinsan niya! Ah basta! Wala akong gift para sa kanila! Ano na lang ang sasabihin nila?! Kuripot ako? Na tinitipid ko sila? Mahirap kami? Baka maisip nila na hindi ko kaya sustentuhan ang anak nila? Kaya hindi nila itutuloy ang kasal!
DAMN!
Mababaliw na ako!!
Dahan-dahang tumingin ako sa kanya. Kailangan kong manigurado bago mag-panick ako, hindi pa ba ako nagpapanick sa lagay na 'to?
"Sa bahay mo o sa bahay ng mga magulang mo?" naniniguradong tanong ko sa kanya.
Alam ko naman na dadating talaga ang panahon na makikila ko ang pamilya niya dahil ikakasal naman kami diba.
Pero ayoko!
Ayoko pa muna silang makilala!
Ang gusto ko kasing mangyari, makilala ko sila pagkatapos naming ikasal ni Sab. Dahil kong may ayaw man sila sa akin, wala na silang magagawa kundi tanggapin ako dahil asawa na ako ng prinsesa nila. Kaya whether they like or not, parte na ako ng pamilya nila. Pero kapag pumalag sila, ilalayo ko si Sab dito sa Pilipinas o 'di kaya sa kanila noh!
Nanigurado ba ako?
Definitely yes!
Hininto niya ang kotse 'tapos humarap sa akin. Nanlaki pa ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil 'yun. Seriously?! Ano ang nangyayari kay Sabrina?! Na-possess ba siya?
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...