“Ano ang mas mabango itong color pink or ‘tong blue?” tanong ni mama kay Sabrina. May hawak syang dalawang pabango, malamang! Hindi kasi sya makapagdecide kong ano ang pipiliin nya pero alam ko naman ang magiging kahahantungan nito eh. Sa dami ng tindahang pinamilhan nila kanina, alam ko na... Kinuha ni Sabrina ‘yun at inamoy.
“Mabango silang dalawa, kaya kunin nyo na....” rinig kong wika ni Sabrina. Napailing na lang ako. Tama ako. ‘Yan lang naman ang lagi nyang sinasabi ‘kunin nyo na’ tuwing humihingi ng tulong si mommy tungkol sa bibilhin nya. Kaya nga mukha na akong tanga ditto. Kabila-kabilaan ang dala kong paperbag na may lamang pinambili nila.
“Tita, kailan pa bo tayo bibili ng pagkain?” rinig kong tanong ni Sabrina sa kanya. Napatingin ako sa kanya. Medyo malayo kasi ang pwesto ko sa kanila. Nasa gilid kasi ako malapit doon sa mga display na walang masyadong bumibili. Malamang naghahanap kasi ako ng upuan kanina na pwedeng ilagay ang pinambili nila! ‘Yung hindi makakaistorbo sa taong dumadaan. Sa dami ba naman nito, halos harangin na ang daan. Jusko!
At buti na lang talaga hindi na kami nag grocery kanina. Kasi kung natuloy 'yun, ewan ko na lang! Sabi kasi ni mommy, sa susunod na lang daw. Kaya namang ito si Sabrina, kanina pa rumereklamo kesyo daw gutom na sya. Eh kani-kanina pa lang nya naubos 'yung french fries na pinabili nya sa akin sa Jollibee.
“Mamaya na... Bibili pa tayo ng damit mo, akin kasi lahat to.” Napanganga ako sa sinagot ni mama kay Sabrina at napatingin ako sa pinamili nya. Sa kanya lang lahat ng ‘to? Tumingin ulit ako sa kanya. Mom, ‘yung totoo, may shopping disorder ka ba kung meron man ngang ganoon...
“Ayoko!” sagot ni Sabrina. “Marami akong damit, kaya no thanks na lang po....” dugtong pa nya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Sabrina. Thanks Sab. Hindi ko na kayang magdala pa ng iba.
“Sige kung ‘yan ang gusto mo... Miss, isama mo ‘to doon sa pinili namin kanina...” utos ni mommy doon sa saleslady. Parang nakahinga naman ng maluwag 'yung saleslady dahil biglang lumiwanag ang mukha nya ng sabihan 'yun ni mommy. Tsk! Tsk! Alam ko ang nararamdaman mo. "Umuna na kayo doon, kung saan man nyo gustong kumain babayarin ko muna 'to..."
"Yes!" sigaw ni Sabrina. "Luke, punta na ako sa Jollibee..." masayang wika nya. Iniwan nya ako mag-isa. Napatulala ako sa ginawa nya. Iwan ba ako? Kung sya gutom na, 'tapos kumain lang ang ginawa nya, ako pa kayang may dala-dalang pinamili nila. Kainis!
"Luke!" narinig kong may sumigaw sa likuran ko. Sumalubong sa akin ang mukha ni Sabrina. Binalikan nya ba ako? Lumapit ito sa akin 'tapos nilahad ang palad nya. "Wala akong pera, bigyan mo ako..." sabi nya. Napanganga ako sa sinabi nya.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
She just rolled her eyes. 'Tapos pinawayngan nya ako
"Pwede ba, 'wag kang mabingi-bingihan?! Alam na 'ting dalawa na narinig mo ako..." inis na sabi nya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
