Napakunot ang noo ko ng parang sobrang tahimik ng bahay na sobrang nakakapagtaka... Umalis na naman ba sya at sinama 'yung mga bata? Pero... Hindi naman siya nagpaalam sa akin. Hindi rin siya nagsabi sa akin kanina kaya....Nasaan sila?
"Sabrina!" tawag ko sa kany pero walang sumagot. "Briseis...." tawag ko pagkatapos kong hubarin ang sapatos ko at kinuha ko 'yung tsinelas ko "Arxhell.... Avery..."
Wala.
Walang sumagot!
Kinabahan tuloy ako!
Pumunta ako sa sala. Sobrang tahimik. Tuloy, para akong bumalik sa nakaraan? 'Yung hindi ko pa nakikilala si Sab. 'Yung nakaraan na uuwi ako sa bahay 'tapos sobrang tahimik dahil ako lang ang mag-isa dito at wala ang mga magulang ko dahil nasa seminar sila o business meeting.... And I feel it again.... Being alone... 'Yun nga lang may kung ano pa akong nararamdaman na kung ano and I can't name it! Nakakabobo naman oh!
Nagmamadaling pumunta ako sa kusina para matingnan kung nandoon ba sila pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng wala sila doon.
"Sab...." tawag ko. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala man lang sumagot.
Bumalik na lang ulit ako sa sala. Damn it! Kahit hindi bukal sa loob ko, hinihiling ko na sana makita ko lang ang mukha ni Corin kasi alam ko naman na palagi magkasama sila Sab at 'yung mga bata pero kahit ang eng-eng na 'yun wala dito! Nasaan na kaya sila?!
"Sab..." tawag ko ulit... "Sabrina!" malakas na sigaw ko sa sala. Pumunta ako sa may hagdan at tininganan 'yung kwarto ni Sab. "Sab..." Inihakbang ko ang isang paa ko sa baitang para puntahan sana sa kwarto niya "Sabri---ahhhh!"
"Luke-sama shh!" napasigaw ng bigla na lang lumabas sa kung saan si Corin. Mabilis namang tinakpan ni Corin ang bibig ko at hinila papuntang sala. Tinulak niya ako sa sofa at sinenyasan akong manahimik. Pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Rin, ano ba?!" galit na sigaw ko sa kanya. Bwisit! Sa lahat ng pwedeng makita ko siya pa?!-Aish! Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hiniling ko nga 'yun diba? Tsk! Tama nga sila! Mag-ingat ka nga sa hinihiling mo! Pero ang eng-eng na si Corin hindi man lang nasindak sa akin. Nakipagtitigan lang siya sa akin 'tapos ngumiti. Napangiwi na lang ako. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang eng-eng na 'to kasi bigla naman siyang naging malungkot. Nakakatakot!
"'Wag kang maingay baka marinig ka ni Rina-sama ano pa naman 'yun ngayon..." hindi natuloy ni Corin ang sasabihin nya at biglang yumuko. Kahit na nawi-wierduhan ako sa taong kaharap ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi ni niya.... Kung ganoon, nandito lang si Sab. Akala ko kasi umalis siya. Pero nasaan naman siya? Napatingin ako kay Corin at ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng malungkot ang mukha niya.-well, kanina pa naman siya malungkot pero iba 'to eh...
"Anong nangyari sa 'yo?" takang tanong ko sa kanya.
"Gumagaya kay Rina-sama..." mahinang saad niya na mas lalong napakunot sa noo ko. Kasi nag-pout pa siya at suminghot-singhot... Napangiwi na lang ako. ADIK!
"Ano ang nangyari kay Sab?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko pa sya magkabilang balikat at iniangat ko 'yung mukha nya pero hindi naman sya tumitingin sa mata ko. "Hoy..." tawag pansin ko sa kanya.
Napaatras ako ng bigla na lang siyang pumiksi at nagpadyak-padyak sa harapan!
"Ganoon na ba ako ka emotionless?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili niya. WOW! EMOTIONLESS?! Naitaas ko ang isang kilay ko ng hinampas ni Corin ang noo niya at inis na hinila-hila ang buhok niya. Sana maubos ang buhok niya. "Asar! Tama nga si Rina-sama! Hindi na dapat talaga ako suma-sama kina Jessica! Sad pa hindi ko makuha? Asar!" inis na sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
