Chapter Seventy-two

842 34 10
                                        

AN: NO EDIT. SORRY FOR THE LONG WAIT.



*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*


"Sab may tao!" sigaw ko! Naiinis na kasi ako sa tunog na 'yun. Kung sino man ang pumipindot ng doorbell namin parang may galit sa amin. Sunud-sunod kung pumindot at alam mo talagang madiin ang pagkakapindot niya.


*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*


"Sabrina! Ikaw muna ang magbukas ng pintuan please!" sigaw ko ulit. Hindi kasi ako ang makakabukas ng pinto dahil hinuhuhagasan ko ang kamay ko! Bwisit na mushroom! NAngnagati ang kamay ko. Hindi ko kasi napansin na may mushroom sa ref at nahawakan ko 'yun-binili yata ng mga ungas ng inutusan ko silang linisin ang bahay ko.


*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*


Anak ng!

"Sabrina!" malakas sigaw ko sa pangalan niya 

*DINGDONG*

*DINGDONG*

Inis na pinatay ko 'yung gripo at kumuha ng tissue para matuyo ang kamay ko. Lumabas ako sa kusina at nang mapunta ako sa sala, walang tao at 'yung doorbell tunog pa rin ng tunog.

"Sabrina!" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot!

"Naku! Asan naman kaya si Sabrina?" mahinang tanong ko. Baka naliligo! Pero kanina pa 'yun naliligo ah! Pagkatapos naming mag breakfast nagpaalam siyang maligo and it was two hours ago! Napailing na lang ako. Luke naman, hindi ka pa nasanay sa mga babae! Women are all the same, ang tagal mag-ayos ng mga sarili nila!

*DINGDONG*

*DINGDONG*

*DINGDONG*

"Maghintay ka nga!" inis na sigaw ko. Kapag 'yung mga barkada ko talaga ang nasa labas, mabibigwasan ko ang mga ungas na 'yun! Hindi ba sila marunong makiramdam! Kailangan namin ng quality time ni Sabrina!

Inis na pumunta ako sa pintuan. Binuksan ko 'yun.

"Ke aga-aga ano ba ang kail-

"Ice cream delivery!" sigaw ng isang babae kaya napatigil ako sa pagsasalita. Napatitig ako sa. Isang maliit na babae na sumigaw ng 'Ice cream delivery' kanina! Hey, parang nakita ko na ang babaeng 'to. Tiningnan ko siya ulo hanggang paa. Sino na naman 'to?

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng inis kaya napaatras ako. Oh ano nangyari? "Just give me 1000 pesos para makaalis na ako." Nagulat ako sa sinabi niya at inilahad pa ang kanang kamay niya na parang hinihintay na maglagay ako ng isang libo doon. What a delivery girl! Atsaka, sino nag-order? Hindi naman ako! Si Sab? Tatawagin ko sana si Sab ng magsalita na naman ang babaeng kaharap ko. "Marami akong ginagawa at paki sabi sa asawa mo, hindi na niya ako empleyado kaya wag siyang nambubulabog!" napatingin ako sa kanya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon