Chapter fifty-seven

983 30 4
                                    

Luke's POV

"*Kring kring kring*"

Inis na hinanap ko ang cellphone ko at ini-off ang alarm nito! Tiningnan ko. 5:30 AM? Napangiti ako ng mapakla. Nakalimutan ko palang i-set ang oras sa 6:30AM. Hindi ko na kasi kailangang gumising ng maaga dahil wala namang magagalit. Walang gigising sa akin. Walang Sabrina.

Dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa paligid ko. I'm not in the house. Nasa Condo ko ngayon ako. Should I say I'm free? And I'm happy? Nah! I'm don't know. Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko ngayon! Kasi hindi ko alam kong tama ba ang ginawa ko. Hindi ako umuwi ng bahay at hindi pa ako nagpaalam kay Sab. 

Tuluyang bumangon  ako sa kama ko at pumunta sa banyo. I need to go to school. Kailangan ko pang ipasa ang Application for graduation na uradang-uradang pinapafill-upan ng Registrar namin! Atsaka, marami ng tao sa fast food chain  kung alas sais pa ako pupunta sa doon para kumain ng breakfast ko, tiyak na marami akong makakalabang customer! Wala na kasing magluluto ng almusal para sa akin. Walang Sab eh!

Napailing na lang ako. 'Wag ko na nga lang siyang isipin! Tingnan mo nga, hindi ka man lang niya kinontak? Baka nga, masaya pa 'yun na wala ka sa bahay mo?! Mapait na tanong ko sa sarili ko.

Naligo na lang ako at ginawa ang dapat ginagawa sa umaga. Naka-twalyang lumabas ako sa kama at  biglang  nag-vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako dun. Mabilis na lumapit ako dun. I'm expecting na siya kaso na-disappoint lang ako. Damn, Luke! 'Wag ka ng umasa! Paasa ang babaeng 'yun! Tumingin na lang ulit ako sa screen!

"Lolo's calling"

Napakunot ang noo ko. Minsan lang tumawag ang lolo ko kaya sinagot ko 'yun.

"Lo--

"Saan ka ngayon?!" mabilis na tanong niya. Napakunot ang noo ko sa tinanong niya. Bakit parang nag-aalala ang lolo ko sa akin? Kasi ang lolo ko, parang sira! Gusto niyang nakikita akong gumagapang sa lusak! 'Yung tipong pahihirapan niya ako kaya nakakapagtaka, bakit ganito siya sa akin ngayon?!

"Nasa Condo ko." rinig kong huminga siya ng malalim ng sinagot ko 'yun. "Bakit 'lo?" bigla siyang nawala sa kabilang linya si lolo kaya napatingin ako sa screen. Hindi pa naman niya ine-end ang call ha. Binalik ko ulit sa may tenga ko ang telepono ko. "Lo?"

"Luke, apo..." mahinang tawag niya sa akin. Kinakabahan ako. Bakit? Bakit ako kinakabahan sa kanya? 

"Lo..." tawag ko sa kanya. Naghinatay muna ako ng ilang segundo bago marinig ko ang boses niya.

"I'm sorry apo. I'm so sorry..." sincere na sabi niya. Lo, ano ba kasi ang nangyayari?

"Bak--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nawala si lolo, ini-end niya talaga ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko. Ano ang nangyayari sa lolo ko? Nagbikit-balikat na lang ako. Signs of dying na siguro. Matanda na kasi! 'Tapos imbes na magpakabait, mas lalong pinapahaba ang sungay! TSk! Ibaba ka na sana ang cellphone ko ng mag-vibrate ito ulit. It's a message from an unknown number!

Mabilis na binasa ko ang message at ganun na lang ang gulat ko sa nabasa ko.


From: +639*************

I hate you! I hate you! I hate you!

-From: Sabrina Xenon Endonable Buenavista-ur EX-F*some text message are missing*

Napakunot ang noo ko. Galing kay Sab? Tinawagan ko ang number na 'yun but cannot be reached. Nagmamadaling nagbihis ako para makauwi sa bahay namin. I want to see Sab para matanong siya sa tinext niya. Kasi She hates me? Biglang kumulo ang dugo ko. How dare her! Kung meron man ang magalit sa aming dalawa ako 'yun! Tama na! Ayoko na! Ititigil ko na ang pagbabahay-bahayan namin!


NAPAKUNOT ang noo ko ng mapansin ko na parang may mali. Kailan pa naging irresponsable si Sab sa pagpapa-lock ng gate?

Pumasok ako sa bahay. Ang tahimik! Dapat nasa sala na si Corin ngayon at nagbabasa ng manga! Pero wala siya! 

"Sab!" tawag ko sa  kanya. Walang sumagot! Umakyat ako sa taas, partikular sa kwarto niya perong walang tao. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya pero walang sumasagot! Bumaba ulit ako. Saan kaya siya?

Sa Kusina! Right! Dun ang paborito niyang tambayan! Nagmamadaling pumunta ako sa kusina at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang mga caldero na nasa stove. "Maybe lumabas lang siya..." sabi ko. Lumapit ako sa caldero na nasa stove at tiningnan ko ang laman nun. Napakunot ang noo ko. It's adobo and luto na... Napatingin ako sa stove naka-off!

So it means. Mabilis na binuksan ko ulit ang caldero at pinasok  ang daliri ko 'tapos hinawakan ang adobo. Malamig! So either, kagabi pa 'to o kaninang umaga niya niluto-But I doubt na kaninang umaga 'to! Iba ang lamig ng ulam!

Mabilis na lumabas ako sa kusina. "Sabrina!" tawag ko ulit sa kanya. kinabahan ako bigla. Don't tell me, umalis siya? At iniwan ako?

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad na inacept ang call!

"Cap!" mabilis na bati ng nasa kabilang linya. Cap? Mabilis na tiningnan ko ang screen. Teban?

"Hey..." bati ko na lang. "Ahm... nakita mo ba si Corin kahapon?" Corin is our manager kaya baka nagkita sila kahapon! At baka alam niya kung nasaan si Sab? Itatanong ko sa eng-eng na 'yun kung nasaan ang amo niya.

"Hindi cap eh!" sagot niya.

"Eh, si Sab?" tanong ko. Hindi agad siya sumagot.

"Cap, hindi ka ba nanonood ng TV?" Bwisit! 'Yung tipong nagmamadali ka 'tapos tatanungin ka ng nonsense?! Kainis!

Umiling lang ako kahit hindi niya ako nakikita! "No..." sagot ko na lang.  Bakit pinapa-thrill pa nila ako?!  Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko!

"Ah Cap kasi si Sab..." parang nahihirapan na sabi niya. Letche!

"Sabihin mo na kasi!" sigaw ko sa kaniya. 

"Ang lolo ni Sab, nasa TV." nanigas ako sa sinabi niya. 

"I'm not looking for her grand father damn it!" inis na sigaw ko sa kanya. Si Sab ang hinahanap ko!

"Tingnan mo na lang para malaman mo ang sinasabi ko..." sabi niya sabay off ng tawag. Napamura na lang ako at mabilis na bumaba at pumunta sa may sala. Mabilis na ini-on ko ang TV at shet! anong channel?! Pero hindi ko pala kailangan yun dahil pagkabukas na pagkabukas ng TV ko, lolo agad ni Sab ang nakita ko.

'Breaking news:Zenon Buenavista, sangkot sa isang money laundering.'

"Ano po ang masasabi niyo na sangkot kayo sa isang money laundering? 'Tapos may mga kaso po kayo tungkol sa--"

"Wala akong kasalanan!" umiiyak na sabi ng lolo ni Sab. Madami ang nakapalibot na reporters sa kanya at kinakaladkad siya ng mga pulis na hawak sa kanya.He really looks pathetic! 

But, ano ang nangyayari? Napatingin ulit ako sa may baba kong nasaan ang breaking news. The heck!

"Napatunayan na Zenon kaya 'wag ka ng mag deny!" sigaw ng isang babae sa may likuran niya. Hindi ako makahinga sa nakita ko. It's Spencer at sa likuran niya, it's Sabrina. What the hell is happening? 

"Apo, tulungan mo si lolo!" hinging tulong ng lolo ni Sab. Tumitig lang si Sab at lumapit sa lolo niya. Well, it's her lolo kaya kailangan niyang tulungan ito but something's strange about Sabrina.

Inilahad ni Sab ang isang kamay niya kaya mabilis na kinuha 'yun ng lolo niya pero bago pa mahawakan ng lolo niya ang kamay niya tinaas niya 'to at sinampal ng malakas ang lolo niya. The hell! "Para 'yan kay Jack!" sabi niya sabay talikod sa lolo niya. Tulalang iniwan niya ang lolo niya.  

"Miss Buenavista, totoo po bang fiancee mo ang nag-iisang anak ng mga Black?" nanigas ako sa tanong na 'yun. Napatingin ako kay Sab na tumigil din sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon and answered that question. I hope hindi ko ini-on ang TV kasi ayokong marinig ang katagang 'yun!

"No... It's just a gossip. A very bad one." walang kaemosyong-emosyong sabi niya. 


AN: Sorrrrrrrrrrryyyyyyyyy for the late update!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon