Chapter Twelve

4.7K 120 6
                                    

"Sino 'yun Luke?" tanong ni Sabrina sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Nakatalikod kasi sya sa amin dahil may sinsabit syang frame sa pader kaya hindi nya alam na nandito ang mommy ko. Kanina pa nga ako kinakabahan. Ano ba kasi ang nakain ng mama ko at gusto nyang makipagbonding kay Sabrina? Napakunot ang noo ko ng maikabit na nya 'yung frame. Plain white lang naman kasi ang nandoon. Napatitig ako doon. Weird?! Ano kaya ang frame na 'yun?

"Lu--Cec-Tita Cecilia?!" gulat na tanong ni Sabrina sa amin ng humarap ito. Kumunot ang noo nya habang nakatitig sa mommy ko. Napatampal ako sa noo ng tinaasan nya ng isang kilay ang mommy ko. Anak ng! Sabrina!

Kumaway ang mommy ko sa kanya. "Hi Sabrina..." nakangiting bati nito sa kanya. Lumapit si mommy sa kanya at yinakap sya ng mahigpit. "Long time no see..." rinig kong sabi ni mommy.

Tumingin naman sa akin si Sabrina. Binigyan nya ako 'bakit-nandito-sya' look. I just mouthed 'I dont know' kahit alam ko naman kung ano ang totoo. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya.

Biglang binitawan ni mommy si Sabrina kaya muntik ng matumba si Sabrina buti na lang talaga agad na lumapit ako sa kanya at nahawakan sya sa bewang kaya hindi sya natumba. Binigyan ng masamang tingin ni Sabrina si mommy ng tumalikod ito sa kanya at tumingin doon sa mga display sa mesa kung nasaan 'yung mga picture frame namin nung dito pa kami nakatira. Hindi kasi kinuha ni mommy 'yun eh. May marami kasi syang kopya.

"Gosh! I miss this house!" narinig kong bulalas ni mom. 

"I hate your mom..." narinig kong sabi ni Sabrina. Mahina lang ang pagkakasabi nya na sapat na marinig ko. Napatingin ako sa kanya at napalunok. Sab... "Muntik na akong matumba kanina." tumingin sya sa akin 'tapos kay mommy. "Anong ginagawa nya dito?" tanong nya habang nakatitig kay mommy. Bakit tingin ko, parang gusto nyang tunawin ang mommy ko gamit ang titig nya.

Napalunok ako.

"Nasa isang business trip si Daddy for three days a--"

"Are you saying, that she will stay here for three days?" seyosong tanong nya. Naniningkit ang mata nyang nakakatitig sa akin.

Napalunok muna ako bago tumango sa kanya. Hindi makapaniwalang napatingin sya sa mommy ko. "Seriously?" tanong nya sa akin. Tumango lang ulit ako. Bigla nya akong hinampas sa braso at tinapakan sa paa. Na-aw ako. Inis na tiningnan nya ako. 

Ano bang masama kung nandito ang mommy ko. Bahay namin 'to... Kaya may karapatan sya dito.

Biglang tumingin sa amin si mommy kaya napatayo ako at pumormal naman si Sabrina.

"Kumain na ba kayo?" nakangiting tanong ni mommy.

Tumango lang kaming dalawa. "Kayo?" sabay naming tanong ni Sabrina. Nakatitigan kami. Tinaasan lang ako ng kilay ni Sabrina. Humarap ulit kami kay mommy.

"Oo.." nakangiting sagot ni mommy. "Ah Luke! I-aarange ko na lang 'yung mga gamit ko..." lumapit sya sa akin at kinuha ang maleta nya. Tumingin sya kay Sabrina. "Sab, sa--"

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon