Chapter Seventy-five

1.2K 34 10
                                    

Sab's POV

Minsan nakakabaliw pala kapag sobrang masaya ang tao. Kasi kahit wala namang dapat ikangiti, bigla ka na lang mapapangiti.

Tulad ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ngumiti kahit gumagawa lang naman ako ng tea para sa amin ni Luke. Para mawala ang lasing namin.

Napangiti na lang ulit ako dahil sa mga nangyari ngayong araw. Dapat pala matagal ko na 'tong ginawa noon noh?!

Napangiwi ako.

Di rin!

Hindi naman kasi ako sure sa feelings ko noon sa kanya kaya okay lang din na ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Sabi nga nila, may perfect timing ang lahat ng mga nangyayari sa mundo. At ito ang perfect timing namin!

Kami na ni Luke!

Nawala ang ngiti ko sa huling naisip ko.

Parang may mali.

Kami na?

Diba asawa ko na siya?

So dapat from the start kami na? Kaya bakit, ganito ang iniisip ko?! Aish! So kung hindi kami noon, ano kami?!

Fiancee.  Tapos nag getting to know each other. Nag-away. Nagpakasal. Ngayon, mag jowa?

Ang gulo naman yata nun!

"Sab..." napatalon ako ng magsalita si Luke sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin tapos yinakap niyay ako ng sobrang higpit.

What the!

Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya.

"Ang tagal mo yata rito..." malambing na bulong niya at hinalikan ang nooup ko.

Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi at ginawa niya.

Wahhhhh!!!!

Oh my God! Oh my God!

Nakagat ko ang labi ko para hindi mapatili!

Bigla niyang nilayo ang sarili niya sa akin at tinitigan ako ng puno ng pagmamahal. Na conscious tuloy ako. Mukha yata kasi akong ewan dahil hindi ako makapaniwala sa pinagagawa ng lalaking 'to sa akin!

But... Alam niyo 'yun..... Hindi ako kinikilabutan sa mga pinaggagawa ni Luke sa akin. Actually, kinikilig nga ako eh.

Ehhhh!!!!

Malandi na ba ako dahil doon?

Edi malande na ako. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! Tsk. Mga inggitera lang naman iyang mga naiingit na 'yan eh!

Napalunok ako ng bigla niyang inayos ang buhok ko.

"I love you." Malambing na sabi niya. Napangiti ako. Eh!!! Ano beh?! Ang landi-landi ni Luke!

"I love you too." Mahinang sagot ko at ngumuso pa ako para pigilan lang ang sarili ko na ngumiti ng sobra. Baka kasi maging katulad noong ngiti noong pusa sa Alice in the Wonderland ang ngiti ko eh.

Tumikhim ako. Okay tama na ang landian. Tumalikod ako sa kanya at kinuha 'yung tea na ginawa ko.

"Inumin mo oh para mawala 'yung kalasingan mo." Sabi ko sabay bigay sa kanya nung baso na may lamang tea.

"I'm not drunk, Sab." Sabi niya sa akin at ngumiwi sa akin.

Tsk.

"Edi para yan sa pagkalma ng tiyan mong kung anu-ano ang ininom mo kanina..." sabi ko na lang.

"Okay." Sabi niya at ininom 'yun.

Good boy. Iinumin din naman eh, ang dami pang arte!

Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi man lang siya ngumiwi. Ang pait kaya noon.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon