Nagising ako ng may maingay na bagay sa may kusina. Hindi ko ‘yun pinansin kaso bigla na namang nag-ingay. Inis na napabangon ako sa kama ko at nagmamadaling pumunta sa kusina. Siguro si ‘Lee’ na naman ‘yun. Bwisit na ahas ‘yun kung saan-saan kasi pumupunta. Hindi kasi nilalagay ni Sabrina sa cage dahil hindi na daw kasi kasya si ‘Lee’ doon.
Baka kasi bigla makita ni mommy si ‘Lee’ at atakihin pa sa puso ‘yun kahit wala naman. Ayaw nya kasi sa mga hayop na gumagapang.
Nakakabahala kasi ‘tong si ‘Lee’, kahapon, nagulat na lang ako na nasa banyo sya na malapit sa kusina, natutulog! Sabi naman ni Sabrina, intindihan ko na lang daw si ‘Lee’. Mainit daw kasi ang panahon ngayon kaya naghahanap ng malamig na lugar si ‘Lee’.
Ayun, kaya dahil bisita ko naman daw si mommy, ako ang nautusan magbantay sa ahas na 'yun. Ako daw kasi 'yung mareklamo at ako daw ang may OA na bisita! Kainis!
Hindi na kasi ako natatakot sa ahas na ‘yun. Sinasanay kasi ako ni Sabrina kay ‘Lee’. Minsan kasi kapag tinatamad sya, ako ang nagpapakain doon kaya dapat lang talagang masanay ako. Actually, hindi naman pala siya nakakatakot eh. Nakakadiri lang talaga siya tuwing kinakain niya ‘yung pagkain inihanda sa kaniya. Lalo na ‘pag buhay na hayop ang pinapakain sa kaniya.
Yuck!
Napahinto ako ng makita kong nakabukas ang ilaw sa kusina. Napatingin ako sa orasan sa may sala... 5:35 ng umaga. Si Sabrina kaya ang nasa kusina? Diba nga sya na ang gagawa ng gawaing pambahay kaya sya siguro ang nandoon... Naglakad na lang ulit ako papuntang kusina.
“Sab-Mom?!” gulat na tawag ko sa kanya ng makapasok ako sa kusina. Naghihiwa sya ng... Ewan! Bangag pa nga ako ‘tapos hindi ko pa alam kung ano ‘yung mga tinatadtad nya.
Hindi ako marunong magluto at wala rin akong balak matuto. Ayaw ko lang. Tingin ko kasi, wala akong talent para doon. Basta kulay green, orange at puti ang nakikita ko doon.
“Nak ang aga mo yatang nagising?” takang tanong ni mommy.
“Nagising po ako sa ingay...” sagot ko sa kanya.
“Ay, sorry ha...” hinging opinyon ng mommy ko. “Magluluto kasi ako ng kare-kare for Sabrina, alam mo kasi noong nasa bahay sya ito ang lagi nyang kinakain...” naalala ko ‘yun. Bukod sa unang pagkikita namin, ‘yun ‘yung araw na sinabi nya sa akin na ako dapat ang maging CEO ng kumpanya at sya ang magiging First lady ko. Kaya paano ko naman makakalimutan ‘yun? Naalala ko nga na hindi sya halos kumain ng kanin nun, kaya akala ko na takot tumaba si Sabrina pero mali ako. At kung may kukwestyon noon. Itatapon ko sa mukha nya ang refrigerator namin at pati na rin nung resibo ng pinamili namin. Ilang araw pa lang kasi ang nakakalipas ng namalengke kami, parang kalahati na lang ng pinamalengke namin ang natira! Kada minuto kasi kain sya ng kain. Ewan ko ba kung bakit hindi sya tumataba!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...